^

Pang Movies

Nanghinayang bigla sa isusuweldo, drama actor pinagtatanggal na ang dating mga alalay!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagpapaka-low maintenance na ngayon ang drama actor na ito dahil maraming nakapansin na production staff ng isang teleserye na dalawang tao na lang ang kasama niya sa taping. Hindi tulad noon na umaabot sa sampu  ang lagi niyang kasama.

May sarili kasing entourage ang drama actor na ito noon. Lagi niyang kasama saan man siya magpunta. Meron siyang driver, masahista, personal assistant, bodyguard, taga-sagot ng kanyang cellphone etc.

Umabot pa nga sa may mga nagreklamo na ibang kasama ni drama actor sa taping dahil minsan okupado ng entourage niya ang standby tent nila.

Nagsumbong na nga ang ilang artista dahil nawawalan na sila ng lugar sa tent. Hanggang sa nagdala na ng sariling tent ang kanyang entourage sa set para wala nang magreklamo. Ultimo pagkain ng mga ito ay provided na ng drama actor.

Ngayon daw ay dumarating na ito sa taping set na dalawa na lang ang kasama: driver at personal assistant na lang.

Mukhang nag-downsize na nga si drama actor dahil alam ng marami na nagkakaroon ito ng problema financially dahil sa nakarelasyon nito.

Balita pa ngang nagbawas na nga raw din ito ng ilang mga pasuwelduhan sa kanyang bahay.

Isang maid na lang ang iniwan niya at ginawa na niya itong all-around. Yung kanyang apat na security ay ginawa na lang niyang isa. At ang personal assistant niya ay ginawa na rin niyang secretary at errand boy.

Kahit nga raw ang sasakyan na gamit ng drama actor ay diesel ang gamit na gasolina. Bihira na raw nitong gamitin ang mga magagarang kotse niya.

Nagkuwenta raw kasi si drama actor ng kanyang kinikita at kailangang magbawas siya ng mga papasuwelduhin or else maba-bankrupt siya.

Masakit man sa drama actor na may tanggalin siya dahil matagal na silang nanilbihan sa kanya, kailangan niya ito gawin or else, mababaon siya sa utang.

Nirekomenda naman niya sa ibang mga kasamahan niya sa teleserye ang ilang mga kasambahay niya na tinanggal niya.

Makakasigurado naman daw sila na maayos magtrabaho ang mga ito dahil matagal silang nagsilbi sa drama actor.

Edu doble kara kay Dingdong! 

Bukod kina Solenn Heussaff at Ruru Madrid, ang isa pang bagong makakasama sa book 2 ng Alyas Robin Hood ay ang actor-TV host na si Edu Manzano.

Ito ang ikatlong show na ni Doods simula noong magbalik ito sa GMA 7. Una ay ang teleserye na Someone To Watch Over Me at pangalawa ay ang Celebrity Bluff.

Gaganap si Edu bilang si Emilio, isa sa mga bagong makakalaban ni Pepe na ginagampanan ni Dingdong Dantes.

“Ang una n’yong makikita ay ang pagiging very charming ni Emilio. At the same time, sa likod ng sinasabing charming personality, there is also ‘yung manipulator.

“Sa husay niya, kaya niyang kumbinsihin na baguhin mo ang iyong opinyon. Dito, he has a very commanding presence kung saan kapag siya ay pumasok ng kuwarto, ‘yung parang feeling na nagbukasan lahat ng ilaw,” kuwento pa ni Doods sa character niya.

Nagsimula na rin si Doods na mag-taping para na naturang teleserye.

“I don’t know kung naging advantage o disadvantage, pero kilala ko lahat ng aking katrabaho, at I generally like them.

“Minsan pabor ‘yun, minsan nagiging hadlang because wala kang paghuhugutan ng sama ng loob, ng galit. But ang kagandahan is, sa mga nakikita kong napili sa cast, nakita ko na ito ang mga taong professionals and they’re all hardworking.

“Maganda ‘yung dadating sa set, handanghanda na sila. Walang nale-late, so far,” pagtatapos pa ni Edu Manzano.

Anne Hathaway rarampang Barbie 

Pagkatapos na mag-drop out ang comedienne na si Amy Schumer dahil sa scheduling conflicts, ang Oscar winner na si Anne Hathaway na ang napili para gumanap sa live-action film na Barbie.

Ang magdidirek ng Barbie ay ang Australian filmmaker na si Alethea Jones.

Ang big screen adaptation ng iconic Mattel toy line ay magsisimula sana ang shoot on June 23. Pero biglang nag-backout na si Schumer dahil sa promotional tour niya ng kanyang comedy show na Snatched. Sumabay din ang shoot niya for the film She Came To Me with Steve Carell.

Naka-set to be released ang Barbie on June 29, 2018.

Kasalukuyang nakikipag-negotiate na ang mga producers with Anne Hathaway na hindi lang magaling na dramatic actress kundi may comedic side din ito na pinakita niya sa mga pelikulang The Devil Wears Prada at Get Smart.

Kasalukuyang ginagawa ni Anne ang Ocean’s Eleven spinoff na Ocean’s Eight, Dirty Rotten Scoundrels at Nasty Women.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with