^

Pang Movies

Direk Soxy iginupo na ng lung cancer!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa lahat yata ng mga indie film na napanood namin, at iilan lang naman iyon dahil hindi kami talaga mahilig sa indie, ang talagang nagustuhan namin ay iyong Ded na si Lolo. Comedy iyon. Simple lamang ang kuwento - tungkol sa burol ng isang yumao. Ang nagdala roon ay ang nakakatawang sitwasyon na hindi maikakailang ginawa ng isang director na sanay sa comedy. Comedian din kasi talaga ang director noon na si Soxy Topacio.

Naalala lang namin dahil noong isang gabi, tuluyan nang iginupo ng lung cancer ang director at actor na si Soxy Topacio sa edad na 65. Hindi na rin naman kami nabigla sa balitang ­iyan, matagal na siyang may cancer at labas pasok na nga sa ospital. May isa kaming kaibigan na nagsabi rin sa amin na nang huli niyang makita si direk Soxy sa PETA, iba na nga rin ang hitsura.

Mas gusto naming maalala si direk Soxy sa hitsura kung papaano namin siya nakilala noong araw. Mas gusto naming maalala ang kanyang pagpapatawa kahit na sa mga pribadong kuwentuhan lamang. Si Soxy iyong kahit na magkaharap lamang kayo, talagang performance level. Iba talaga ang kanyang kalidad bilang isang actor.

Ipanalangin na lang natin ang kaluluwa ni direk Soxy, tiyak marami siyang mapapangiti sa langit lalo na at hindi maganda ang sitwasyon dito sa lupa. (Nakikiramay po kami sa naiwang pamilya ni Direk Soxy. – SVA)

MVR kailangan nang wakasan!

Nawalan kami ng gana sa panonood ng TV noong isang gabi. Established sa kuwento ng Mulawin noon pa man na kalaban nila ang mga Ravena. Pero doon sa kuwento ngayon ng Mulawin vs. Ravena ang nagligtas sa mga Mulawin ay ang hari ng Ravena. Lumabas pa na ang mga Mulawin ay nanalo dahil sa tulong ng isang diyosa. Kaya kahit na anong tingin ang gawin mo, lumalabas na sabaw pala ang mga Mulawin.

Doon pa sa ending, mayroon silang teaser na mukhang sasali rin ang mga Sangre ng Encantadia sa laban ng mga Mulawin at mga Ravena. Halatang talagang gusto nilang isalba pa ang serye dahil baka hindi pa sila handa sa ipapalit nila. Pero maliwanag na kailangan nilang gumawa o magdagdag ng pagbabago dahil lumaylay talaga ang ratings ng serye, maging sa survey ng mas pinagtitiwalaan nilang AGB Neilsen.

Ang ganda na nga sanang tapusin ang kuwento noong Biyernes ng gabi. Nanalo na ang mga Mulawin. Nasaksak na ang hari ng mga Ravena. Parang iyon na nga ang katapusan ng kuwento eh, pero siguro gusto pa nilang dugtungan para kung sakali man, makabawi naman kahit na papaano sa ratings at hindi masira ang record na iniwan ng unang Mulawin. Iyang Mulawin ay isang serye na talagang sinubaybayan noong araw. Maihahanay iyan sa Flor de Luna, doon sa orihinal na Marimar, at Anna Liza. Mukhang may mali nang i-revive nila sa panahong ito.

Ayaw naming magbigay ng opinyon kung ano ang mali, pero ang katotohanan na hindi niya napadapa ang kalaban at siya ang tila hindi nakalipad nang husto, may mali talaga.

Iyon namang My Love From the Star na sinasabing tinatalo rin ng kalaban, aba eh expected iyon. Isipin ninyo ang nasa casting nila sina Jennylyn Mercado at ang baguhang si Gil Cuerva lang. Ang kalaban mo KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla tapos may Richard Gutierrez pa. Matindi pa ang opticals. Ano nga ba ang laban mo?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with