^

Pang Movies

Best Picture ng Urian, wala pang nakapanood!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nabigo si Nora Aunor na pantayan ang walong Best Actress awards ni Congresswoman Vilma Santos sa URIAN awards, matapos siyang talunin ni Hasmine Killip sa ikalawang pagkakataon bilang Best Actress. Kung natatandaan ninyo, noong nakaraang taon ay pinadapa na rin ni Hasmine Killip si Nora sa CineMalaya.

May mga kritikong nagsasabi na nang hindi manalo si Nora bilang Best Actress, at hindi niya nagawang pantayan ang walong best actress awards ni Vilma Santos, lalong naging maliwanag na si Vilma nga ang karapat-dapat sa Natatanging Gawad Urian, na ipinagkaloob naman sa kanya. Kung iisipin iyon nga ang pinaka mataas na title dahil pagkilala iyon sa lahat ng kanyang naabot na sa kanyang career. Bago iyon may mga humuhulang ang walong best actress award ni Vilma ay mapapantayan ni Nora na may pitong award na rin bilang best actress mula sa Urian, pero muli na naman nga siyang nasingitan ni Hasmine Killip. Pero may mga nagsasabi nga, mukhang natunugan na rin naman ni Nora na hindi siya mananalo, kaya hindi na siya dumating sa awards night.

Pagpasensiyahan na rin ninyong hindi namin alam kung ano iyong pinapanalo nilang Best Picture. Ngayon lang namin narinig na may ganoong pelikula. Mayroon kasi silang napapanood na mga pelikula kahit na straight to video. Considered na rin ngayon sa mga local awards kahit na ang mga indie na hindi pa naipapalabas sa mga commercial theatre circuits dito sa ating bansa. Pero medyo ok na rin naman ang kanilang awards dahil sa panalo ni Paolo Ballesteros, na siya ring nanalo sa The Eddy’s, at least may star value sabi nga ng ilang kritiko.

Christian napaiyak

Hindi rin nanalo sa Urian si John Lloyd Cruz, pero mas matindi ang mga eksenang nagbigay pa sa kanya nang mas matinding exposure. Nang umakyat sa stage si Paolo Ballesteros na nagbihis bilang si Kim Kardashian, kinikilig pang sinabi noon na “ang guwapo ni John Lloyd”, sabay lapit sa nagulat na actor na nasa stage rin at niyakap iyon. Nang matapos ang speech ni Paolo, nilapitan din siya ni John Lloyd at niyakap din.

Natalo si John Lloyd sa Best Supporting Actor category sa Urian, na napanalunan niya sa The Eddy’s. Ang nanalo sa Urian ay ang baguhang si Christian Bables. Nang masalubong ni Bables si John Lloyd pagkatapos ng awards, sumigaw iyon ng “kuya” habang umiiyak at sabay-yakap din kay John Lloyd. Parang hindi mapaniwala si Bables na tinalo nga niya si John Lloyd, na walang dudang mas popular choice. Pero ang nasusunod diyan siyempre kung sino ang gusto ng walong jurors ng Manunuri.

Charo luhaan na naman

Ang iba pang napansin namin, si Lea Salonga ang nag-opening number at ang kinanta niya ay isang medley ng mga theme song ng mga pelikulang nanalo na sa URIAN. Bongga rin ang gown ni Charo Santos, kaya nga ang akala ng marami ay siya ang mananalong Best Actress. May mga usapan naman kasi na kung sino ang mananalo, pinahihiwatigan na ng Urian para siguradong pupunta sila sa awards.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with