^

Pang Movies

Aktres na-haggard sa inggit sa sexy actress!?

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matindi ang insecurity ng female celebrity na ito sa isang sexy actress kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang makasama ito sa mga show at kung anong events.

Minsan daw kasi ay sabay silang nag-guest at sobrang na-insecure si female celebrity sa mga dalang damit ni sexy actress. Tinalakan daw nito ang talent coordinator at tinanong kung bakit hindi man lang siya sinabihan na magdala ng mga damit.

Paliwanag ng talent coordinator na kaya maraming damit na dala si sexy actress ay dahil may three episodes pa siyang ite-tape para sa show. Kaya kailangan ng maraming damit.

Lalong nagngitngit ang female celebrity dahil one-time guest pala siya at ang sexy actress na kinaiinggitan niya ay may tatlong guesting pa.

Kaya sa loob ng dressing room ay hindi niya kinikibo ang sexy actress kahit na ilang beses na siya nitong nginitian at binati. Ngingiti lang siya pero halatang pilit at plastic ang dating.

Kausap lang niya ay ang kanyang alalay o ‘di kaya ay nakatutok siya sa kanyang iPad. Si sexy actress naman ay busy na nagpapalit ng damit at makeup.

Inuna raw kasi ang mga tapings ni sexy actress bago ang taping nila ni female celebrity kaya lalong nakaramdam ng pagkaimbiyerna ito dahil hinuli pa sila.

Imbes na ang magmukhang haggard si sexy actress dahil lumagare ito ng tatlong episodes sa show, si female celebrity ang nagmukhang pagod dahil napagod ito sa kanyang pagiging inggitera at insecure. Nagmukha pang fresh si sexy actress nang sabay silang mag-taping na.

Kaya never raw sasabay na ulit si female celebrity sa sexy actress dahil nagmukha lang daw siyang second-rate na starlet.

?Tom at Carla nagkumpisalan sa Davao?

Hindi naging issue kay Benjamin Alves kung naging third wheel siya sa tambalang Tom Rodriguez at Carla Abellana sa GMA primetime teleserye na I Heart Davao.

Gumanap si Benjamin bilang si Paul, ang best friend at masugid na manliligaw ni Carla, who plays Hope.

Noong biglang pumasok sa eksena ang character ni Tom na si Ponce, doon na ipaglalaban ni Paul ang pag-ibig niya kay Hope.

First time na makatrabaho ni Benjamin sina Carla at Tom sa isang teleserye at natuwa siya na nagkaroon sila ng magandang bon­ding habang isinu-shoot nila ang I Heart Davao.

“We were together for almost three weeks in Davao. Lahat nang puwede naming maikuwento sa isa’t isa ay nagawa na namin.

“Kaya when we wrapped up shooting in Davao, nakakalungkot kasi ang saya naming lahat doon. Walang naging aberya. We were all safe there despite the news that broke out in Marawi City.

“Ang maganda pa ay parehong very active sa kanilang spiritual life sina Tom and Carla. That will make their relationship even stronger,” pagtatapos pa ni Benjamin Alves.

?Ka-romansa raw ni Brad Pitt may ibang idini-date?!

Pinagtawanan lang ng aktres na si Sienna Miller ang pagkaka-link niya sa aktor na si Brad Pitt.

May kumalat kasing balitang nagde-date na raw sila ng ex-husband ni Angelina Jolie.

Ang totoo ay ang idine-date ni Sienna ay ang film director na si Bennett Miller.

“Brad’s a great friend but nothing more,” simpleng sagot ni Sienna.

Ayon sa report ng The Sun, nakitang holding hands sina Brad at Sienna sa loob ng VIP area ng Rabbit Hole bar kung saan naroon din ang aktor na si Bradley Cooper.

Claim ng source ay nagkita raw ang dalawa aroung 3:00 a.m.

“Brad and Sienna couldn’t keep their hands off each other, touching and stroking each other at every opportunity. They seemed really intimate.

“They seemed keen to get away from prying eyes and made a dash for the Rabbit Hole, the festival’s underground and exclusive venue, with a group of friends and were inseparable as they waited to go inside.

“The party was cut short and they had to leave after five minutes because the venue was closing. Bradley Cooper left and Brad and Sienna headed back arm in arm to their private Winnebego.”

Kahit na naglabas na ng statement si Sienna na walang nagaganap sa kanila ni Brad, naniniwala pa rin ang The Sun na meron.

“It’s early days, but they are very into each other and enjoying a carefree, casual summer romance

“They’re both absolutely determined to keep everything under wraps. Their goal is to explore things without any massive publicity. It could all fizzle out, so they’re waiting to see.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with