^

Pang Movies

Desperada na? Sharon payag makipag-loveteam sa baguhan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nabago na naman ang wishlist ni Sharon Cuneta ngayon. Siya mismo ang nag-post sa kanyang social media account na gusto niyang gumawa ng isang magandang love story. Kung natatandaan ninyo, noong araw naman kasi ay puro love story ang kanyang ginagawa. Doon siya nagustuhan ng fans niya. Mukhang ayaw ng fans niya ang ibang klase kaya bumagsak ang pelikula niya nang pagawin siya ng comedy. Bagsak din naman siya noong gawin siyang isang basurera sa pelikula.

Walang dudang hindi na nga siguro babagay kay Sharon ang mga role na ginagawa niya noong araw dahil isipin naman ninyo, 51 years old na siya. Pero alam din naman niya na kailangan siyang makagawa ng isang pelikulang malaking hit sa kanyang comeback kung gusto niyang mapatunayan na hindi pa siya bumababa sa kanyang Megastar status.

Matagal din naman niyang hinintay ang pelikulang gagawin sana nila ni Gabby Concepcion, dahil marami ang nagsasabing tiyak na magiging hit ang kanilang tambalan, pero tumanggi nga ang actor at sinasabing baka hindi pa ito ang tamang panahon para magsama sila sa pelikula ulit.

Umasa siya na kung hindi matutuloy iyon, maaari naman niyang maging leading man sina Richard Gomez, Aga Muhlach o maging si Robin Padilla. Kung pag-aaralan mo, ang puntiryang pelikula ay love team pa rin pero walang umubra sa mga iyon. Bumagsak si Sharon sa isang pelikulang indie, na ngayon pa lang ay sinasabing hindi makakapantay sa kita kahit na ng mahihina niyang pelikula noon. Indie nga lang naman kasi iyan.

Kaya ngayon gusto na naman niyang makagawa ng isang love story. Kasi kailangan talaga magkaroon agad ng follow-up iyang indie niya dahil kung hindi baka sa ganyan na lang siya malinya nang malinya. Tingnan ninyo si Nora Aunor, hindi na nakakawala sa indie, at hindi maganda iyon para sa kanyang career.

Ngayon payag na si Sharon kahit na sino ang leading man. Kahit daw baguhan na io-audition pa lang. Pero ang matindi sa wishlist niya, sana magkatambal sila ulit ni Boyet de Leon bago sila tuluyang tumanda. Walang dudang love story din ang kanyang naiisip, dahil kung hindi, puwede naman silang magkasama ni Boyet kahit na lolo at lola na ang role nila.

Angel maraming na-magnet sa La Luna

Patay na ang role ni Angel Locsin sa La Luna Sangre. Talagang iyon lang naman daw ang role ng character ni Angel sa seryeng iyon. Siguro sinadya nga iyon para makaagaw lang muna ng ra­tings ang serye, para sa pagsisimula ng tunay na istorya noon at paglabas ng mga talagang bida, medyo may rating na.

Pero iba ang reaksiyon ng publiko. Marami ang nagsasabing hawa raw ang nangyari dahil pinatay agad ang character ni Angel. Pero kung maaapektuhan ang audience share ng serye sa pagkawala ni Angel, madali naman siyang ibalik. Gagawa lang sila ng mga eksenang flashback eh ‘di nandiyan na naman si Angel. Sooner or later posibleng mangyari iyan.

Male star pinagsawaan ng gatasan

Ready na si male star kung mabawasan man ang kanyang popularidad at ganoon din ang kanyang mga assignment. Iyon kasing “main sponsor” ng kanyang career ay may bago na naman daw “na-discover” at mukhang doon na nababaling ang pansin ng “sponsor” ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with