^

Pang Movies

Sarah ‘naghahabol’ sa Valentina!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kung wala pang gaganap na Valentina sa Darna movie ni Liza Soberano, gusto ni Sarah Lahbati na magprisinta sa direktor na si Erik Matti na producer niya rin sa pelikula niyang Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz.

Ayon kay Sarah, dream role rin niya ang gumanap na Valentina kaya naman balak niyang kausapin si Direk Erik about this.

“Pero siyempre, hindi naman ako nag-expect because this is a Star Cinema movie and whoever gets the role, I will support because they make great movies that are amazing and tumatatak sa mga tao. So, whoever gets chosen is meant to be,” pahayag ni Sarah nang makausap ng press sa advance screening ng Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz.

Hindi ba siya takot sa ahas?

“Hindi naman. Mas takot ako sa palaka,” natatawa niyang sambit.

Samantala, dahil June ngayon, naitanong din kay Sarah kung gusto niya ba ring maging June bride. As we all know, marami ang nag-aabang kung kailan ba talaga sila ikakasal ni Ri­chard Gutierrez since matagal-tagal na rin silang nagsasama at lumalaki na rin ang anak nilang si Zion.

“Kailan ba malamig? Siguro, mga November bride,” natatawa niyang sagot.

Malapit na ba siyang maging November bride?

“We’ll see. I’m wearing our promise ring tonight. That’s it. That’s all I can say. The right time will come,” she said.

Ibinigay daw ni Chard ang promise ring four years ago nun’g nasa Los Angeles sila.

Sa ngayon, ang masasabi lang daw niya ay sobrang happy siya with Chard and Baby Zion.

“I have the best life ever. I’m so happy and I couldn’t wish for anything. Dadating din tayo diyan (sa marriage). Malapit na,” pahayag ni Sarah.

Samantala, happy ang aktres, na parehong ang ganda ng takbo ng career nila ni Chard. Mayroong La Luna Sangre ang kanyang boyfriend at siya naman ay may Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz  horror movie na showing na sa June 28 kung saan puring-puri ang kanyang acting ng mga napakanood na sa screening na ginanap kamakailan.

Coco sinimulan na ang pagdidirek

Sinimulan na ni Coco Martin ang shooting ng Ang Panday na as we all know ay remake ng classic hit movie ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr.

Nakita namin ang post kahapon sa Instagram ng manager ni Coco na si Biboy Arboleda na larawan ni Coco at ng production team at sa caption ay inilagay niyang first shooting day ‘yun ng Ang Panday 2017.

Matatandaang few months ago ay binigyan si Coco ng go signal ni Direk Carlo J. Caparas na i-remake ang Ang Panday. Ang tinaguriang Komiks King ang may likha ng nasabing karakter na nobela niya noon sa komiks.

Si Coco ang magdidirek ng Ang Panday 2017 at siya rin ang bida. Ito bale ang film directorial debut niya and those who know him would know na talagang matagal na niyang dream ang makapag-direk ng sariling pelikula.

Kaya magiging busy as a bee in the coming days si Coco dahil maglalagare siya sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano at Ang Panday 2017.

Speaking of FPJAP na nasa book 2 na ngayon, ang daming nagre-request na fans at avid viewers ng serye na sana raw ay bumalik na sa pagpupulis si Cardo (karakter ni Coco).

Sa book 2 kasi ay nagretiro na sa serbisyo si Cardo at namumuhay na ng tahimik sa piling ni Alyanna (Yassi Pressman) at kanilang anak.

Pero kami, personally, gusto namin ang takbo ng kwento ngayon dahil kung hindi kami nagkakamali, ngayon lang gumanap na ama si Coco kaya ngayon lang namin napapanoood kung paano siya maging ama sa serye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with