Jose iwas-pusoy sa rape joke ng Presidente!
Iwas-pusoy si Jose Manalo na magpaka-President Dugong kung saan ginagaya niya si President Duterte sa segment ng Star Buzz ng Sunday PinaSaya kahapon. Hindi na niya itinuloy ang ilang kuwento patungkol sa biyahe niya sa Russia.
Eh alam naman nating sentro ng isyu ngayon si P-Duterte dahil sa umano ay rape joke niya. Maging ang ilang kilalang personalidad sa buong mundo ay bumatikos sa kanya.
Isinentro na lang ng segment ang guesting ng impersonator ni Gina Lopez at ang guest na komedyanteng si Brod Pete.
Eh, nag-promote ng pagbabalik ng game show na Celebrity Bluff ang komedyante kung saan isa siya sa bluffers.
Walang komento si Jose na isa ring dahilan kung bakit pinanood ang game show dahil sa nabuong Jo-Ge (Jose-Eugene Domingo) loveteam. Nagkaroon kasi ng falling out sina Jose at Uge sa kainitan ng kanilang lambingan sa TV.
Yassi inaagawan na ng trabaho si Nadine?!
Pinalitan na yata si Nadine Lustre ni Yassi Pressman bilang favorite leading lady, huh!
Bukod sa kanyang teleserye, aba, may bagong movie si Yassi, ang Ang Pambansang Third Wheel na pagtatambalan nila ni Sam Milby. Mula ito sa production ng IdeaFirst Company nina Jun Lana at Perci Intala. Si Ivan Payawal ang director.
There was a time na after Sarah Geronimo, nagreyna-reynahan din sa Viva movies si Nadine. Sa ngayon, wala pang balita kung ano ang next movie nila ni James Reid at pagdating sa TV show, nganga pa silang dalawa.
So move over muna si Nadine dahil mas mainit sa kanya ngayon si Yassi, huh!
AiAi nag-renew ng green card sa Amerika
Ipinakita na ni AiAi delas Alas ang dahilan ng biyahe niya sa Amerika, ang makuha ang kanyang California ID. Depensa ni AiAi, ID ‘yon at hindi driver’s license, huh!
Green card holder si AiAi at kailangan niyang i-renew ‘yon kaya lumipad pa-America minus her boyfriend, Gerald Sibayan. Matagal din niyang hinintay ang oportunidad na ito.
Nagpaka-yayey din ang Comedy Queen sa dalawang anak na sina Nicolo at Sophia. Sa July ay babalik uli si AiAi sa Amerika upang maging special guest sa US Concert Tour ng BFF na si Sharon Cuneta.
- Latest