^

Pang Movies

Paolo todo display sa karelasyon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mukhang hindi na napipigilan si Paolo Ballesteros sa pag-post ng photos na kasama niya ang rumored boyfriend niya na nagngangalang Roland Ochoa Anog.

Though wala pang inaamin si Paolo tungkol sa tunay na relasyon niya kay Roland, marami na ang masaya dahil may maipagmamalaki ng lovelife si Paolo.

Kelan lang ay nag-post si Paolo na nasa isang resort sila ni Roland. Noong nakaraang Mother’s Day ay kasama rin ni Paolo si Roland.

At noong bumili ng bagong sasak­yan si Paolo, unang pinasakay niya ay si Roland.

At dahil sa pareho ang suot nilang singsing at pati ang mga tattoo nila ay parehas, ano pa nga ang iisipin ng netizens sa nagaganap kay Paolo at Roland.

Confirmation na lang ang hinihintay ng mga followers ni Paolo, pero mukhang binibitin pa niya ito para patuloy na mag-isip ang marami sa tunay na estado ng relasyon nila ni Roland.

May mga nagsabi rin na mukhang okey na sa anak ni Paolo ang relasyon nito kay Roland.

Hindi naman daw siguro ipo-post ni Paolo ang mga sweet na photos nila ni Roland kung walang blessing mula sa kanyang anak at sa mommy nito.

Lovelife ni Uge ibebenta sa Japan

Ibinahagi ng award-winning comedienne and TV host na si Eugene Domingo ang love story nila ng kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni sa magazine na Filipino-Japanese Journal na mabibili sa bansang Japan.

Lumabas ito noong nakaraang May 24 at nag-post pa si Uge ng photo nito sa kanyang Instagram.

Ang naka-headline pa sa magazine ay Eugene Domingo in Full Bloom.

Tunay ngang blooming ang lovelife ng host ng dalawang Kapuso shows na Dear Uge at Celebrity Bluff. Hindi nga tinatago ni Uge ang kanyang lovelife at inamin niyang malaking inspirasyon si Danilo sa kanyang buhay ngayon.

Sa June 3 na ang muling pagbabalik ng award-winning game show ni Uge na Celebrity Bluff kung saan makakasama niya sina Edu Manzano, Boobay at ang GMA boyband na One Up.

Sikat na football player makukulong sa sabit sa buwis

Nahaharap sa 21-month in jail ang sikat na football player ng The Real Madrid na si Cristiano Ronaldo dahil sa isasampa sa kanyang tax evasion charges.

Ayon sa Spanish tax agency may utang ito na €15 million between 2011 and 2014.

Binigbigyan nila ang football superstar hanggang June para maayos ang kanyang kaso or itutuloy nila ang pagsampa ng charges.

Noong nakaraang December 2016, may na-leak na documents na iniwasan ni Ronaldo at ng kanyang manager ang magbayad ng malaking buwis sa paglipat ng milyones na pera ng athlete sa isang bank sa British Virgin Islands.

Isa si Cristiano Ronaldo sa ‘sexiest men in sports’ at naging major endorser siya ng isang underwear brand, perfume, sports gear, shoes at naging cover siya ng mga major international magazines tulad ng GQ.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with