^

Pang Movies

Julie Anne bibida sa remake

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Looking forward ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa pagbibidahan niyang bagong teleserye sa GMA 7.

Ayon sa Kapuso singer-actress, isang remake ng  pelikula ang kanyang pagbibidahan.

“Siyempre, excited na rin ako na magteleserye ulit kasi matagal na rin since I acted sa TV. Huli kong ginawa was Buena Familia na noong March na natapos.”

Bukod sa bagong teleserye, magiging busy din si Julie sa sunud-sunod na mga biyahe niya locally at internationally para sa promotion ng kanyang album na Chasing the Light.

Jake hindi pa makadikit sa anak ni Janice

Happy si Jake Vargas dahil nagsimula na siyang mag-taping para sa bago niyang teleserye na Oh, My Mama kung saan makakatambal niya si Inah de Belen.

At inamin ni Jake na hindi pa sila close nito pero kapag nagsimula na raw sila sa taping ay doon na sila magba-bonding.

“Nagiging close na kami kasi nagkaroon na kami ng pagkakataon na makilala ang isa’t isa sa taping.

“Ako naman, open ako to meet people in my life,” ngiti pa niya.

Kaya trabaho lang daw muna si Jake at wala munang girlfriend.

Beyonce naghakot sa MTV

Ang singer na si Beyonce Knowles ang tinanghal na big winner ng 2016 MTV Video Music Awards (VMAs). Nauwi niya ay 8 Moonman trophies.

Ang kanyang music video na Formation ay nanalo ng Video of the Year, Best Pop Video, Best Choreo­graphy, Best Cinematography, Best Editing and Best Direction. Samantalang ang kanyang music video na Lemonade ay nagwagi ng Breakthrough Long Form Video. Best Female Video naman ang kanyang Hold Up.

Napanalunan naman ng R&B singer na si Rihanna ang Michael Jackson Video Vanguard Award.

Nag-perform naman noong gabing iyon sina Britney Spears, Ariana Grande and Nick Jonas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with