^

Pang Movies

Singer-actress na-master ang manapaw ng mga kasama!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kinaiinisan na ang pagiging agaw-eksena ng isang singer-actress ng mga nakakasamang artista/singer sa isang production number.

Palibhasa hindi masyadong kagandahan at seksi lang, kaya tumutodo sa paglalandi sa pagsayaw with matching pahagis-hagis ng buhok, huh! Tapos, kapag iniinterbyu, tuloy pa rin ang pagnakaw ng eksena kahit hindi kinakausap.

Kaso maganda kasi ang boses ng singer-actress kaya puwedeng makipagsabayan sa biritan, huh! Eh iilan din lang ang singers ng network niya so join siya sa kantahan kapag kailangan sa isang show.

Kinakawawa sa paglipat, Kris pinaratangang manggagamit at nakiki-ride lang sa kasikatan ni Maine!

Tuloy pa rin ang bakbakan sa social media ng fans nina Kris Aquino at Maine Mendoza ngayong unti-unti nang lumilinaw ang balitang si Mr. Tony Tuviera na ang magma-manage ng career ng Queen of All Media.

Siyempre, may bayolenteng reaksyon ang fans ni Maine. Pero depensa ng isang Kris fan, “Jusko ‘wag nga kayo deman­ding. Na kesyo kaya na ni Maine mag-isa. Diba kayo proud? Na si Kris A makakatrabaho niya? Papunta palang si maine pabalik na si Kris A.”

“Maine Mendoza is Maine Mendoza no need to drag her name with other names…God bless u @mainedcm don’t allow anybody to use nor abuse you…just enjoy AND will always be here for you. Labyu.”

“Please Big no. Please stay Kapamilya Ms. Kris,” komento ng maka-Kris.

“Gamitan pa more…sus, maki-ride ba sa AlDub pag naging successful ang project iki-credit sa kanya kaloka,” saad naman ng isang maka-Maine.

Bukod sa mga umaayaw magsama sina Kris at Maine sa isang project, in fairness, meron namang may gusto dahil love silang dalawa.

Nahuli ng bata...Onyok ibinuking ang romansahan nina Coco at Julia!

Ibinuking ng child actor na si Onyok (Xymon Ezekiel Pineda) na si Julia Montes ang girlfriend ng Kuya Coco Martin niya. Humarap kasi si Onyok sa ilang press upang ipakilala bilang kid endorser ng Hammerhead Kids ng Sonic Apparel, Inc. ni Mario Ong.

Pero agad naman sinalo ito ng handler niya ng, “Nakikita kasi ng bata sa Instagram account ni Coco sa Walang Hanggan.” Pero ang bata, hindi pa marunong magsinungaling, huh!

Nakapunta na rin daw siya sa bahay ni Coco, pinakain ang fish doon at nag-swimming. Pero hindi niya raw nakita si Julia kahit sinabi sa kanya na malapit din ang bahay ni Julia kay Coco.

“Baka naman hindi doon nakatira,” say naman ng bata.

Siyempre, natanong ang nanay niyang si Mary Ann kung anong oras natatapos ang anak sa taping.

“Four hours lang ang taping namin. Hindi tulad noon nasa Zambales kami,” sabi ng ina ni Onyok.

Dahil nagkaroon na rin ng tatlong TV commercials at may kinikita sa taping at out of town shows, nakabili na ng sari­ling Ford Everest na sasakyan si Onyok. Tuloy rin ang pag-aaral niya sa Angelicum College na may kasamang home study pag araw ng tapings.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with