^

Pang Movies

Juday ayaw magmadali sa request na kapatid ni Lucho

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ang cute ng mga pictures ni Baby Luna sa Instagram ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na parang mas kahawig ng kanyang daddy.

Excited si Juday sa pagkukuwento sa isang interview na ang likot na ni Baby Luna at advance raw mag-react sa edad nito na anim na buwan.

Nahihirapan tuloy iwanan ni Juday si Baby Luna dahil napaka-cute at happiness ng kanilang pamilya.

Nagpapasalamat si Juday dahil hindi naman nagseselos ang dalawa nitong anak na sina Yohan at Lucho sa kanilang bagong baby. Malaking bagay daw ang malayong agwat ng edad ng ate at kuya ni Baby Luna. 

Nagulat lang si Juday sa wish ni Lucho na bigyan siya ng kapatid na lalaki. Ipinaliwanag naman ng mag-asawa na hindi pa puwedeng magbutis ang kanyang mommy dahil nagpapalakas at nagpapahinga pa ang katawan nito.

Puwede naman daw mangyari ‘yun, pero ayaw madaliin ni Judy Ann.

Basta nag-i-enjoy muna ang buong pamilya sa masasayang moment sa kanilang bunsong si Baby Luna.

Nagsimula nang mag-work out si Juday kasama si Ryan ayon sa mga post nito sa Instagram. Pero regular na ang walking sa umaga ni Juday at may time na rin siyang mag-swimming.

Basta kapag nasa kondisyon na raw ang katawan niya  at maganda na raw tingnan ang kanyang figure ay puwede na muli siyang sumabak sa projects na ibibigay sa kanya.

Gustong maibalik ni Juday ang kanyang hinahangad na waistline para sa posibleng pelikula uli nila ni Piolo Pascual na wini-wish din ng fans.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with