^

Pang Movies

Apo ni FPJ mainit na tinanggap ng mga taga-Bulacan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi alintana ni Bryan Poe Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe ang matinding init sa pagtungo nila sa Donya Remedios, Trinidad sa Baliuag, Bulacan. Kahit napakalayo ng lugar na mabundok at maalikabok, hindi ito pansin ng binata para lang makadalaw at makabisita sa malalayong lugar para makamayan ang mga tao at maendorso ang ina.

Abala ito sa paglilibot sa iba’t ibang lugar kung saan nakasama niya sina Gerry Roman at Ed Manangu maging ang mga grupong FPJ boys na tumutulong sa paglilibot.

Finally ay nakatagpo ni Bryan ang mag-asawang Attorney Hermy at Susan Huera na number one na sumusuporta kay Sen. Grace sa Baliuag.  At kahit hindi pa man nagkikita sina Susan at Sen. Grace ay todo na ang pamimigay nito ng T-shirt at tarpulin maging ng mga pamaypay sa mga tao.

Namigay sila ng T-shirt sa Donya Remedios Trinidad at malaking pasasalamat ng mga tao na binisita sila ng apo ng hinahangaang movie idol na si Fernando Poe, Jr. (FPJ).

Baliuag Junior College batch 58 reunion matagumpay

Masaya ang naganap na class reunion ng Baliuag Junior College batch 58 na ginanap sa Immaculate Concepcion sa pangunguna nina Rey Javillionar, Tess Santos, at Carmela Ramos Mercado.

Dumating ang balikbayan galing Guam na sina Mr. at Mrs. Rene Silvestre na nagbigay biyaya sa mga kaklaseng may karamdaman at nagpadala rin ng pera sina Elpidio Mendoza, Tomasito Silva at iba pa na nasa States.

Naging abala rin sina Andy at Armando Cruz, Merlie Mangulabnan, Rosita Del Rosario, Olivia Dionisio, Rustia Imelda, at Art Dalupan ma­ging si Olivia Francisco.

                  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with