^

Pang Movies

Jennylyn nasungitan kay John Lloyd!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi lang gandang-ganda si John Lloyd Cruz sa partner nitong si Jennylyn Mercado sa Just 3 of Us ng Star Cinema. Bilib na bilib din ito sa aktres na nabanggit niya sa isang interview.

Ang haba ng hair ni Jennylyn dahil super woman ang description ni Lloydie sa aktres na bukod daw sa maganda ay respetado sa kanyang trabaho dahil sa galing nitong umarte at mahusay maki­sama sa lahat.

Hanga rin si John Lloyd kay Jen at hindi nito alam kung paano nababalanse ng aktres ang kanyang trabaho at pagiging nanay. Nagagawa pa nitong ma-maintain ang kanyang kaseksihan at kagandahan. Unang kita raw ni John Lloyd sa set ng movie nila ni Jen ay sobrang nagandahan na ito sa aktres.

Pero nabisto ni Lloydie ang kakulitan ng aktres, kahit inabisuhan na siya ni Direk Dan Villegas bago sila nagsama sa pelikula. Kaya nagklik ang dalawa.

Numero uno ang dalawa sa kalokohan lalo na sa face swapping at iba pa nilang kulitan habang ginagawa ang movie. Hindi rin makalimutan ni John Lloyd ang magandang boses ni Jen na kahit nakaupo ay bumabanat ng matataas na kanta sa kanilang karaoke bonding.

Nasungitan naman si Jen kay Lloydie sa una nilang pagkikita dahil tahimik lang ang aktor kapag hindi kinakausap. Napatunayan din ni Jen na malalim na aktor si Lloydie, hindi lang sa pagiging aktor kundi sa pagkatao nito at may pagkamisteryoso raw ang personality ng aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with