^

Pang Movies

Cesar may hawak na ebidensiya laban kay Sunshine?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Biktima ng bashing si Cesar Montano dahil inilabas nito ang kopya ng mga tseke na ipinambayad niya sa tuition fees ng tatlong anak nila ni Sunshine Cruz.

Dati-rati, tumatahimik lang si Cesar sa mga banat sa kanya dahil pinaiiral niya ang pagiging gentleman pero ngayon, sumasagot na siya at siguradong affected na affected ang kanyang mga basher.

I’m sure, gigil na gigil ang basher ni Cesar dahil sa mga sagot nito na sa tono ng mga pahayag ni Cesar, halata na kilala niya ang katauhan ng bashers na gumagawa at gumagamit ng sangkatutak na accounts para siraan siya.

May pinanggagalingan ang emote ni Cesar at kapani-paniwala ang kanyang hinala dahil private ang account ng bashers na pare-pareho ang mga sinasabi.

Para magsalita nang ganoon si Cesar, tiyak na may mga pinanghahawakan siya na ebidensya.

Naninibago kay Cesar ang publiko dahil sumasagot na siya ngayon sa detractors niya.

Hindi natin siya masisisi dahil overacting na ang mga personal na paninira sa kanya.

Dumarating talaga ang panahon na nauubos din ang pasensya. Ang sabi nga ni Kuya Ronnie Poe (Fernando Poe, Jr.) sa isang pelikula nito, “kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin.”

Nasubaybayan nating lahat ang mga pang-ookray kay Cesar mula nang maghiwalay sila ni Sunshine Cruz. Matagal siya na nanahimik kaya ngayong sumasagot na si Cesar, hindi siya masisisi dahil itinutuwid lamang niya ang mga kasinungalingan na ikinakalat tungkol sa kanya.

Kung sinuman ang bashers ni Cesar, siguradong imbyernang-imbyerna dahil hindi niya inaasahan na reresbakan siya ng aktor.

Pikon pa naman ang bashers ni Cesar as in gusto nila, sila lang ang paniniwalaan ng mga tao. Sila ang tama at dapat na pakinggan.

Iba na ang panahon ngayon dahil nag-iisip na ang madlang-bayan. Hindi na sila basta nagpapaapekto sa mga nababasa at naririnig nila lalo na kung pare-pareho ang akusasyon sa mga subject ng mga paninira.

Aktres na patagong rumaket sa Brunei, anghel ang tingin sa sarili

May lihim na itinatago ang isang aktres na nagmamalinis at feeling ideal and perfect girlfriend.

Noong medyo bagets pa ang aktres, rumaket siya sa Brunei kaya nakapagpundar siya ng mga ari-arian.

Sikretong-sikreto ang pagpunta ng aktres sa Brunei dahil mainit na mainit noon ang isyu tungkol sa mga Bruneiyuki.

Hindi puwedeng mag-deny ang aktres dahil kakilala ko ang nag-recruit sa kanya. Hindi kasalanan ang magmalinis pero kung may skeleton sa closet ang isang tao, dapat na maging maingat siya sa kanyang mga kilos at pananalita or else, her past will haunt her.

Heart hiyang-hiya nang papiliin kung melon at pakwan ang gusto ni Dennis

Sa tagal nina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa showbiz, ngayon lang nila naranasan na magkaroon ng teleserye na sexy and naughty ang tema, ang Juan Happy Love Story.

Hiyang-hiya nga si Heart nang gawin nito ang eksena na may hawak siya na melon at pakwan na nakatapat sa dibdib niya habang tinatanong si Dennis kung ano ang gusto nito. Pumayag din siya na magkaroon ng kissing scene kay Dennis dahil kailangan sa eksena pero may permiso ito ng kanyang supportive husband na si Senator Chiz Escudero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with