Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Baby Letizia nadagdagan na naman ang nakapilang endorsement!

Luckiest baby girl talaga si Baby Letizia, ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Kasusulat ko lang kahapon tungkol sa more than four na product endorsement na alok sa bagets pero nadagdagan na agad ito.

As of yesterday, more than six na ang offer na raket para sa pinakamasuwerteng bata ngayon. Siyempre, pinag-aaralan na mabuti nina Marian at Ding­dong ang mga alok sa kanilang unica hija. Hindi sila basta tanggap nang tanggap dahil mahalaga na naniniwala ang magdyowa sa mga produkto na ieendorso ni Baby Letizia.

Mga anak nina Nora at Vilma may paligsahan din

Ang cute naman ng mga kuwento tungkol sa pagtulong nina Ian de Leon at Luis Manzano sa mga biktima ng aksidente sa magkahiwalay na insidente.

At take note, hindi nagkuwento ang dalawa tungkol sa mga kabayanihan na ginawa nila dahil ang kanilang mga tinulungan ang nag-share sa public.

Pinasalamatan at hinanap si Ian ng madir ng batang lalaki na nabunggo ng speeding motorcycle sa Parañaque City. May-I-bring ni Ian sa emergency room ng isang ospital ang bagets.

Nag-thank you naman kay Luis ang lalaki na nasangkot sa isang bicycle accident sa Quezon City.

Nagising na lang ang biktima sa ospital at dito niya nalaman na ang anak ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang sumaklolo sa kanya.

O ‘di ba, mga bayani ang mga anak ng mga aktres na grabe ang rivalry noong kapanahunan nila. Sa kasaysayan ng local showbiz, never nang mauulit at wala nang makakapantay sa Vilma-Nora Aunor rivalry.

Baka raw maningil ng malaki Gabby ayaw kunin ng ex sa kampanya

First nominee pala si Grace Ibuna ng party­list na Melchora. The who si Grace? Siya ang ina ni Gabrielle, ang anak ni Gabby Concepcion.

Alaga ko na si Gabby nang magkaroon sila ni Grace ng relasyon kaya privy ako sa kanilang lovelife.

Pero tulad ng relasyon ni Gabby kay Sharon Cuneta, hindi nagtagal ang love affair nila ni Grace. Parang mas nagtagal pa nga ang relasyon ni Grace kay Iggy Arroyo, ang congressman na kapatid ni former First Gentleman Mike Arroyo.

Friends na lamang ngayon sina Gabby at Grace dahil sa kanilang anak na si Garie.

Nangangarap si Grace na mahalal bilang house representative ng Melchora Partylist sa May 9 elections at nang tanungin siya kung iimbitahan niya si Gabby na ipangampanya ang kanyang kandidatura, nagbiro raw ang nanay ni Garie na baka singilin siya nang mahal  ng dating boyfriend.

Drama ng napaglipasang actress hindi na pinansin ng mga reporter

Laos na ang mga pakulo ng isang has-been actress kaya dinedma ng mga reporter ang mga drama niya nang dumalo siya sa isang showbiz event.

Karay-karay ng nalaos na aktres ang kanyang bagong lover pero walang reaksyon ang mga reporter na nagsawa na sa mga gimik niya. I’m sure, nagtaka ang mahilig magpakontrobersyal na aktres dahil hindi pinatulan ng press ang kanyang mga kaeklayan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: