^

Pang Movies

2nd day pa lang wala na agad sa mga sinehan Pelikulang may kabuluhan na ipinalabas last week, literal na walang nanonood

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung minsan may mga pelikulang gusto mong panoorin pero hindi mo mapanood.

Nangyari sa amin iyan noong nakaraang linggo. Napadaan kami sa isang mall, palabas iyong isang pelikulang gusto naming panoorin, nakita kaming kahati lamang niya sa isang sinehan ang isa pang pelikula.

Kaya ang ginawa namin, manonood na kami dahil kung hindi, iyong kasunod na screening ay ibang pelikula na. Nang lumapit na kami sa takilya, ayaw kaming pagbilhan ng tickets. Kasi malapit na raw ang screening at wala pang ibang manonood ng pelikula.

Sinabihan kaming maghintay daw muna sandali dahil kung may isa pa o dalawang manood ng pelikula ay itutuloy ang screening at puwede kaming manood. Kung wala talaga, hindi na raw matutuloy ang screening ng pelikulang gusto naming mapanood. Nag-suggest pa ang takilyera na baka daw gusto naming iba na lang ang panoorin namin, iyong siguradong maipapalabas.

Hindi na namin babanggitin kung anong pelikula iyan. Hindi na rin namin sasabihin kung sino ang mga artista. Pero naawa kami sa producers, di­rector at mga artista ng pelikulang iyon. Nabalitaan namin sa mga nakapanood ng kanilang special preview na maganda raw ang pagka­kagawa ng pelikula. May katuturan talaga. Pero ewan nga ba kung ano ang dahilan kung hindi iyon pinasok ng mga tao.

Sa ikalawang araw, wala na ang pelikula.

Ang sinasabi nila, talaga raw sigurong nakadepende sa mga artista ng pelikula iyan. Sa una nga naman kasi hindi naman alam ng mga tao kung maganda o hindi ang isang pelikula. Manonood lamang sila kung gusto nila ang artista. Pagkatapos noon, at saka lang naman kakalat kung ang isang pelikula ay maganda o hindi, at saka lang mapapansin ang artistic merits ng pelikula.

Suwerte iyong mga producers na nakakakuha ng mga artistang kagaya nina Vilma Santos, siguradong kikita ang kanilang mga pelikula. Pero papaano na iyong iba?

Kumpirmado, Jiro nasa rehab na uli

Ibinalik daw ulit si Jiro Manio sa rehab. Hindi naman ibig sabihin ay gumamit siyang muli ng droga, pero lumalabas na hindi pa siya lubusang nakaka-recover mula sa epekto ng kanyang mga naunang ginawa.

Kasi minsan hindi talaga sapat ang isang rehab program. May naiiwan pa rin sa tao na epekto noong nauna nilang ginawa.

Isa pa, naroroon pa rin nga ang depression ni Jiro dahil ang talagang gusto niyang mangyari ay makita at makausap niya ang kanyang biological father. Nakita na naman nila iyon, pero ang problema ay mukha ngang umiiwas ang kanyang biological father dahil may iba namang pamilya sa Japan.

Iyang depression ay nakakadagdag ng problema. Ang maganda kay Jiro, inaamin niyang hindi pa siya okay talaga at nagagawan naman ng paraan. Hindi kagaya noong iba na sinasabing nakapag-rehab na tapos paglabas gumagawa pa rin ng kung anu-anong kaguluhan.

Ang maganda rin naman kay Jiro, wala kang masasabing ibang taong sinaktan niya, o binastos, o ginawan nang hindi tama.

Nakita rin naman ninyo, nanghingi siya ng kanyang kakainin noong panahong naglayas siya, pero hindi siya nagnakaw. Mabuting tao pa rin ngang matatawag iyang si Jiro, may problema nga lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with