^

Pang Movies

Dingdong at Marian pabibinyagan muna ang anak bago simulan ang pagtatambalang serye

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

None other than the Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang nag-confirm na malapit na ang binyag ng anak nilang si Baby Letizia.  Hindi man niya sinabi kung kailan ang exact date ng baptism magaganap daw ito bago sila tuluyang bumalik sa trabaho ng wife niyang si Marian Rivera. Sure na nga ang pagbalik ni Marian sa comedy variety show sa Sunday PinaSaya sa February 21.  At tiyak na raw na matutupad ang wish ng kanilang fans na mag-asawa dahil sila ang magtatambal sa isang drama series sa GMA 7.

Alden at Maine handa nang ma-in love

Seven months in the business, hindi pa rin makapaniwala ang tinaguriang phenomenal star na si Maine Mendoza, na unang nakilala as dubsmash queen then si Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Never daw niya inakalang makararating siya kung nasaan na siya ngayon, kaya masaya siya na nagagawa na raw niya kung ano ang talagang gusto niyang gawin noon pa.  Pero hindi ganoon kadali para kay Maine, lalo na nang pagtambalin na sila ni Alden Richards sa kalyeserye at noong Pasko, sa isang pelikula sa Metro Manila Film Festival.  Dumating na kasi ang mga demand sa kanila, hindi lamang sa mga show, kundi sa pagiging endorsers din.  Kung may endorsements silang magkasama ni Alden, mayroon din silang solo endorsements.

Sa tuwing gagawa siya ng TV commercial, inamin ni Maine na physically tiring, pero mas naintindihan daw niya ang ginagawa niya at labis ang pasasalamat niya lalo na kapag nalaman niyang ang mga ini-endorse niya ay nagugustuhan ng mga consumer.

Tulad ng bago niyang ini-endorse ngayon na CDO Funtastyk Young Pork Tocino, na ginamit pa ang kaalaman niya sa pagluluto.  Sa TVC, kahit naka-long gown siya, naglagay siya ng apron at nagluto ng ini-endorse niyang produkto ng CDO na safe daw kainin dahil walang salitre, at dahil young pork, malambot ito.

Samantala, buo ang kasiyahan ng mga tagasubaybay ng Eat Bulaga sa Broadway studio at ng mga sumusubaybay sa kanilang mga tahanan, dahil opening number pa lamang celebrating the Chinese New Year, nandoon na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

In parts na rin itinuloy ang kabuuan ng Anselmo-Nidora love story na naghiwalay na ang magsing-irog nang pumunta na ng Amerika si Nidora at naiwan ang mahal na si Anselmo.

Iyon nga ang pangaral ni Lola Nidora, ang mga nagmamahalan, matutong magsakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.  Pero hindi pinalungkot ng kalyeserye ang mga manonood dahil sinimulan na ni Alden ang panunuyo kay Lola Nidora, live siyang kumanta ng Tuloy Pa Rin sa saliw ng stringed instruments.  Naiwan ang tanong ni lola: “Alden at Maine, handa na ba kayong umibig?”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with