^

Pang Movies

Dennis at Bela hindi malayong maging box-office king and queen

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Opening na today, October 7, ang bio-epic film na Felix Manalo ng Viva Films in more than 300 cinemas nationwide.  Nakasisiguro na ang box-office returns ang movie na nagtatampok sa mahusay na aktor na si Dennis Trillo as Ka Felix Manalo.  

Bukod sa nasungkit ng movie ang two new Guinness world record during the grand premiere held at the Philippine Arena, mas maraming magiging curious panoorin ang movie directed by Joel Lamangan dahil nabigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Ibig sabihin, magkakaroon ng 100 percent rebate ang movie sa mga sinehan na nagbibigay ng rebate sa mga magagandang pelikulang ipinalalabas.

Malaki rin ang chance ng Felix Manalo na manalo ng box office award sa Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) next year at malayo bang maging box office king and queen sina Dennis Trillo at Bela Padilla respectively?

Gabby, si Carla ang uunahin sa GMA

Tuluy-tuloy na pala ang pagiging Kapuso ni Gabby Concepcion.  Akala ng marami kaya siya nag-guest sa Sunday PinaSaya ay para mag-promote lamang ng Felix Manalo movie na gumaganap siyang si Ka Erdy Manalo.  Pero sa interview sa kanya ng Chika Minute ng 24 Oras, may sisi­mulan na pala siyang drama series sa GMA 7 at makakatambal niya si Carla Abellana.  Masaya naman si Gabby dahil barkada raw niya noon ang ama ni Carla na si Rey Abellana kaya alam niyang magiging comfortable siyang makatrabaho ang aktres.

Open din si Gabby na mag-guest sa CelebriTV show ng dati niyang manager na si Lolit Solis, dahil nagkapaliwanagan na rin naman sila.

Renz makakatrabaho ang mga barkada ng amang si Daboy

Masaya si Renz Fernandez, na kahit hindi pa natatagalang natapos ang afternoon prime drama series nilang Yagit, ngayon ay kasama na siya sa isang primetime series, ang Little Mommy ni Kris Bernal.  Bale second time na nilang pagsasama ito ni Kris.  Ang isa pang ikinatutuwa ni Renz, ang makakasama niya sa soap ay ang mga dating katrabaho ng amang si Rudy Fernandez, like E­ddie Garcia, Bembol Roco at ang Superstar na si Nora Aunor at ang director nila, isa sa mga best friend ng ama, si Ricky Davao.

Wish ng bagong anak kay Alden tinupad ni Ryzza Mae

Si Ryzza Mae Dizon ang naging daan upang matupad ang wish ng isang AlDub fan na makapunta sa Broadway Studio ng Eat Bulaga at makilala si Alden Richards.  Ipinasundo pa ni Ryzza sa kanyang mga PSG ng Princess In The Palace ang mag-inang Kathrina at ang baby boy niyang si Alden Richards.  Isinilang ni Kathrina ang anak sa kasagsagan ng panonood niya ng pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya Dub sa September 26 episode ng kalyeserye na hindi na siya nadala sa ospital at doon na lamang niya isinilang sa bahay nila ang baby boy. 

Tuwang-tuwa ang Dabarkads nang makita ang baby at kinuha naman agad ni Alden ang kanyang katukayo at pumayag sa request ni Kathrina na maging ninong ni Baby Alden Richards.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BABY ALDEN RICHARDS

BELA PADILLA

BEMBOL ROCO

BOX OFFICE ENTERTAINMENT AWARDS

DENNIS TRILLO

FELIX MANALO

KATHRINA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with