^

Pang Movies

Robin mabagsik, nalusot agad Mariel kumpirmadong buntis sa kambal!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Congrats kina Robin Padilla at Mariel Rodriguez dahil magkakaroon na uli sila ng anak, ilang buwan matapos makunan ang TV host/actress.

Kinumpirma ni Robin kahapon na preggy ang kanyang misis at nagpahiwatig siya na kambal ang kanilang magiging mga anak dahil sa social media post niya sa ultrasound test result kay Mariel na may caption na “Maria and Juan de Padilla”.

Kung kambal nga ang ipinagbubuntis ni Mariel, may reason sila ni Ro­bin para maging maligaya.

Parang kailan lang nang damdamin ni Mariel ang pagkawala ng kanilang panganay noong March 2015 pero mas matindi ang naging kapalit nito.

Hindi ako magtataka kung higpitan ni Robin si Mariel at pagpahingahin ang asawa sa mga showbiz commitment nito para maging safe ang pagbubuntis ng misis niya.

Very protective husband si Robin at mas mahalaga ang kalusugan at kalagayan ng kanilang coming soon babies. Kung talagang kambal ang ipinagbubuntis ni Mariel, complete bed rest ang kailangan niya.

Aspiring actor grabe ang pagiging tsismoso, ibinunyag ang sikreto ng isang aktor

Dapat iwasan ang isang aspiring actor na likas na tsismoso pero mahirap ma-confirm kung totoo o kathang-isip ang kanyang mga pralala.

Ikinukuwento ng trying hard aspiring actor na in love na in love sa kanya ang isang kontrobersyal na aktor kaya na­tsitsismis ito na baklita.

Walang kamalay-malay ang aktor sa paninira na ginagawa ng aspiring actor na kulang sa pansin at hindi ka­gwapuhan.

Marami na ang nakakaalam sa mga sikreto ng controversial actor dahil sa katabilan ng dila ng aspiring actor pero walang guaranty o assurance na may katotohanan ang mga kuwento niya. Baka nagpapakontrobersyal lamang siya para magkaroon ng name sa showbiz o type niya na magpataas ng presyo dahil questionable din ang kanyang moralidad.

Louise hindi nakilala ng fans dahil sa katabaan!

Hindi agad namukhaan ng mga tao si Louise delos Reyes sa Grand Fans Day ng GMA-7 noong nakaraang Linggo dahil nagbago ang itsura niya at ganito rin ang nangyari nang umapir siya sa presscon ng My Faithful Husband ng GMA-7 noong Biyernes.

Pinaigsian kasi ni Louise ang dating mahaba na buhok at nag-gain siya ng pounds.

Challenging ang role ni Louise sa My Faithful Husband bilang kapatid ni Jennylyn Mercado na nagkagusto kay Dennis Trillo.

Nangyayari sa tunay na buhay ang kuwento ng My Faithful Husband dahil may mga kakilala ako na babae na nahulog ang loob sa kanilang mga bayaw.

Ricky proud na proud sa pagdidirek sa mister na ipinagpalit ang misis sa bakla

Si Ricky Davao ang direktor ng episode ng Magpakailanman na ipinalabas kagabi. Ipinagmalaki ni Ricky ang Magpakailanman episode sa presscon ng My Faithful Husband dahil kasali siya sa bagong primetime drama series ng GMA-7.

Tungkol sa isang tunay na lalake na iniwanan ang misis dahil na-in love siya sa beki.

Si Sid ang gumanap na mhin na ipinagpalit ang asawang babae sa isang beki na ginampanan ni Victor Basa.

Puring-puri ni Ricky ang kanyang mga artista, lalo na si Sid Lucero na hindi questionable ang husay dahil minana niya ang galing ng kanyang ama na si Mark Gil.

In real life, may mga tunay na lalake na mas pinili na magmahal ng beki. Kung natatandaan ninyo, pinakasalan ng isang Starstruck Avenger ang kanyang dyowa na transgender na minahal niya nang todo.

I’m sure, may mga aktor diyan na lihim na nakikipagrelasyon sa mga beki dahil  bukod sa good provider ang mga ito, nakita nila sa vaklush ang tunay na pagmamahal na kanilang hinahanap.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

DENNIS TRILLO

GRAND FANS DAY

JENNYLYN MERCADO

MARIEL

MGA

MY FAITHFUL HUSBAND

NIYA

RICKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with