^

Pang Movies

Alex naka-move on na sa pakakasalan ni Toni: Kahit sintunado rin ang boses pag nasa ASAP, Alex Gonzaga hahataw na rin sa Araneta

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nilinaw ni Alex Gonzaga sa presscon niya ng AG from the East : The Unexpected concert na hindi naman daw siya nag-walk-out nang nag-propose si Direk Paul Soriano sa ate niyang si Toni Gonzaga.

“Hindi naman po kasi ako nag-OA, nag-walk-out po kasi ako no’n kasi expression ko, “ay, hindi, ay hindi,” saka ang gusto ko talagang kunin is ‘yung cell phone ko po, kasi pipiktyuran ko siya. Eh nga­yon, nandu’n sila sa pintuan ng kwarto namin, hindi ko tuloy makuha kasi pinipigilan ako ni Direk Paul. Tapos, nagalit na ‘yung daddy ko.

“So, nakita ko ‘yung cell phone ng ate ko, nasa sahig, kinuha ko. Tapos, nakita ko, sa sobrang kinikilig ako, hindi ko pala na-record. So, ang na-record ko lang, ‘yung nakatayo na si Direk Paul,” kwento ni Alex.

Dahil daw sa recording niyang ‘yun ay nagkaroon tuloy ng souvenir ang dalawa sa proposal na naganap.

“And sa totoo lang naman po talaga, walang iba pong makakaintindi sa akin kasi for 27 years, kasama ko talaga ang ate ko sa isang kwarto, kung hindi man po sa isang kwarto, sa isang CR. Magkahiwalay po kami pero may connecting door kami.

“So, for 27 years, siya lang po talaga ang kasama ko at kilala ko. Ang pinakamatagal lang po naming paghihiwalay, ‘yung sa PBB, 49 days, pero alam ko po na nandoon din siya sa labas. Minsan, one time, kumatok siya, na-ban tuloy siya ni Kuya na pumasok,” natatawang kwento ni Alex.

“So, parang ito po ‘yung parang ‘pag naiisip ko pa lang na hindi ko na siya makikita everyday sa bahay, hindi na ako ang priority niya, hindi na ako ‘yung lagi niyang kasama dahil siyempre, may sarili na siyang pamilya, nagpa-palpitate po ako pero kinakaya ko po.

“Minsan, nagse-send ako sa kanya, umiiyak ako, pinapakita ko ‘yung mata ko, mugto. Sabi ko, “ate look at what you’re doing to me,” sabi niya.

“Pero ngayon, parang nakaka-move on na po ako. Parang gusto ko, magpakasal na sila agad,” say pa ng dalaga.

Anyway, sa kanyang forthcoming first major concert to be held at the Smart Araneta Coliseum on April 25, ayon kay Alex ay expect the unexpected. Kaya nga The Unexpected ang title.

“Opening pa lang po namin, I’m sure, it’s very unexpected and it might raise eyebrows, not only in the Philippine showbiz but also in the Philippine government, I am telling you,” sabi pa ni Alex na ikinatawa namin.

Sinegundahan naman ng producer na si Joed Serrano ang sinabi ni Alex tungkol sa opening act na gagawin nito.

“Sa totoong buhay, baka nga­yon lang mangyayari ito sa Ara­neta kasi kahit kami, nang tanungin namin siya, “Alex, ano ang gusto mong opening kasi importante ‘yun, eh.”

“Nang sinabi niya sa amin, natawa kami noong una. Pero parang hindi nakakatawa. Parang delikado. Hindi kaya ma-headline tayo kinabukasan? Gano’n na agad.”

Syempre, hindi pa raw pwedeng sabihin kung ano ‘yung nakakaintrigang opening act na ‘yun.

Dito raw makikita kung gaano kaseryoso si Alex sa pagkanta kung gugustuhin nito.

Natanong naman si Alex kung kakabugin ba ­niya si Anne Curtis sa pagko-concert, say niya ay iba naman daw ang ipapakita niya sa ipinapakita nito.

“Ayoko po kasing ikumpara ang sarili ko kasi masyadong maganda si Anne, eh. Amerikana siya, Asyana lang ako. Pero siyempre, iba naman po ‘yung ipapakita natin dun sa ipinapakita niya.

“Pero definitely, kung kakabugin ko siya, baka lahat po talaga ng artista makabog. Let’s just not name names,” natatawa pang sabi ni Alex.

Ayaw pang sabihin ni Alex ang kanyang mga guest pero ang isang kinumpirma niya ay si Maja Salvador. Magkakaroon din daw ng participation ang kanyang ate Toni Gonzaga.

Sa ngayon ay magsisimula nang maghanda si Alex para sa nasabing concert.

vuukle comment

AKO

ALEX

KASI

NIYA

PERO

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with