^

Pang Movies

Martin mahal na mahal ng fans dahil hindi madamot

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sa edad na 53 ay busy as ever pa rin si Martin Nievera sa kanyang showbiz career. Nagpapasalamat siya na napakarami niyang trabaho sa edad niya. Kaya ito raw ang nagbibigay inspiration sa kanya para maging fit. Tulad ngayong February, may show siya sa Cebu bago ang malaking concert niya na Ultimate sa SM MOA Arena sa Feb 13 at 14 kung saan kasama niya sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, at Lani Misalucha.

Noong time na iniwan ni Martin ang local scene para mag-try ng kapalaran sa Amerika ay si Lani raw ang nakasama niya. Kaya naging close raw sila ni Lani. Siya rin ang nakaramay ni Martin noong mga panahong down siya.

Ngayon ay madalas bumalik si Martin sa Amerikaa para sa mga shows at pagbisita sa anak niya na naka-base roon.

Mahal ni Martin ang fans niya at kaya kahit saan siya magpunta ay hindi niya pinagdadamutan ang kahit sinong gustong magpa-picture sa kanya. Maski raw sa autograph signing sa mga shows or concerts na ginagawa niya ay wala siyang reklamo sa pagpirma at hindi siya aalis hangga’t hindi nauubos ang mga taong nakapila.

Luis pinuputakti ng mga product endorsements

Isang malaking accomplishment kay Governor Vilma Santos ang kinalalagyan ng anak na si Luis Manzano.

Isa nang matagumpay na artista ngayon si Luis at kabi-kabila ang mga trabaho sa showbiz. Bukod diyan ay pinuputakti rin ito ng product endorsements. Ang latest ay itong Puregold Perks na nagbibigay ng reward points sa tuwing mamimili ang isang customer nila. In fairness mataas ang points sa ginastos mo sa Puregold huh. Sabi nga nila, perfect endorser si Luis ng Puregold Perks. Hindi pa ninyo alam, pero endorser din si Luis ng Kawasaki Motorcycle at Wheeltek na isang kumpanya na nagbebenta ng mga motorsiklo na nakabase sa Nueva Ecija. Alam namin ito dahil kaibigan namin ang pamilyang may-ari ng Wheeltek. Hindi ko lang alam kung may offcial launch ito.                                                                        

 

vuukle comment

GARY VALENCIANO

GOVERNOR VILMA SANTOS

KAWASAKI MOTORCYCLE

KAYA

LANI

LANI MISALUCHA

LUIS

NIYA

PUREGOLD PERKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with