^

Pang Movies

Dyowa ni Mommy D walang ginastos kahit singko sa Macau

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinama ni Mommy Dionisia Pacquiao ang boyfriend niyang si Michael Yamson sa Macau para panoorin si Manny Pacquiao sa laban kay Chris Algieri. Okey na okey naman kay Michael ito dahil ni singko, walang siyang gagastahin, libre na ang pamasahe niya, pati tsibog, at may allowance pa sabi ng mga inggitero’t inggitera. Depansa naman ni Mommy D, gusto raw kasi ng boyfriend niya na mapanood nang live ang laban ni Manny, kasi kamag-anak naman daw siya!

May mahigit 300 Pinoy ang isinama ni Manny sa Macau sa nasabing laban. Siyam na pastor naman ang kumanta ng Lupang Hinirang sa kanyang laban. Gusto naman daw ni Manny na maiba ang pinakakanta niya, hindi na ‘yung dating solo artist lang.

John nagbunga ang pagiging ‘masama’ kina Angel, Coco, at Kim!

Kung buhay ang dating manager at discoverer ni John Estrada na si Douglas Quijano, tiyak na ipagmamalaki niya ito. Paano kasi, si John ang wagi bilang Best Supporting Actor sa katatapos na 28th Philippine Movie and Press Club (PMPC) Star Awards for Television dahil sa husay niya sa Ikaw Lamang.

Napanalunan ni John ang award bilang kontrabidang ama ni Kim Chiu at malupit na asawa ni Angel Aquino.

Sabi ni John, kaya niya pinagbuti ang kanyang role ay dahil puro magagaling umarte ang kanyang co-actors gaya nina Coco Martin, Jake Cuenca, Cherie Gil, Cherry Pie Picache, at Ronaldo Valdez na siyang lagi niyang kaeksena.

Cristine ayaw nang masyadong magkuwento sa kanyang pagbubuntis

Kahit ano’ng pilit, ayaw magsalita ni Cristine Reyes tungkol sa ipinagbubuntis niya. Inamin ni Cristine na nagdadalang-tao nga siya ngayon. Pero hanggang doon lang ang info niya.

Ano naman ang reaction ng kapatid niyang si Ara Mina rito? Sabi ni Ara: “Another blessing ‘yan from God. Susuportahan ko ang kapatid ko sa pinagdaraanan niya ngayon.”

Sabi pa ni Ara, Amanda ang pangalan ng baby girl nila ni Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan.

Tungkol naman kay Cristine, visible pa rin ito hanggang ngayon dahil hindi pa halata ang tiyan niya.  Nag-guest pa siya kamakailan sa Banana Split.                                                                                       

 

vuukle comment

ANGEL AQUINO

ARA MINA

BANANA SPLIT

BEST SUPPORTING ACTOR

BULACAN

CRISTINE

NIYA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with