^

Pang Movies

Kaya hindi pumanget nang mga tumanda mga artista noon hindi retokada at hindi gumagamit ng gluta

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahal talaga nina Mayor Erap Estrada at Manay Ichu Maceda ang showbiz. Nagawa nilang pagsamahin ang mga bigating movie stars ng kahapon sa loob ng isang gabi. Ginanap ang masayang party sa Sampaguita Gardens. Halos kumpleto ang mga artistang dumalo maging ang Superstar Nora Aunor na nagbakasyon pa sa Bicol ay bumalik agad pa-Maynila para makadalo sa pambihirang pagdiriwang. May nagkuwento na super saya ni Mother Lily Monteverde dahil lahat sila’y nagkasama-sama uli. Labis din ang kagalakan nina Mayor Erap at Many Ichu dahil nagtagumpay ang kanilang event. Naroroon sina QC Mayor Herbert Bautista, Susan Roces, Gloria Romero, Eddie Garcia, German Moreno, Celia Rodriguez, Eddie Gutierrez, Nori Dalisay, Amparo Lucas, at maraming-marami pang iba.

Komento ng isang kakilala namin, ibang-iba talaga ang mga artista noong araw, walang retokada at walang sapilitang pagpapaputi ng balat.

 Hindi naman nakarating si Gov. Vilma Santos dahil pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga na lang.

AiAi napaglipasan na?!

May mga nagtatanong, bakit daw parang kulang sa init ang performance ni AiAi delas Alas sa kanyang recent TV guesting? Hindi na mainit ang reception ng mga tao sa kanya. Kailangan dagdagan pa niya ang galing sa performance para mapanitili ang init ng paghanga sa kanya.

Ellen nasa timing nang lumipat sa Kapamilya

Dumating sa tamang panahon ang pagpasok ni Ellen Adarna sa ABS-CBN dahil sa pagbubuntis ni Cristine Reyes, na uma-min kamakailan sa kanyang guesting sa ASAP 19. Dating nasa GMA si Ellen pero parang walang nakakapansin sa kanya, kaya ayun, humanap ng suwerte sa Kapamilya network. Tambak ang offer ngayon kay Ellen.

Well, ganyan talaga sa showbiz, dumarating ang suwerte nang hindi inaasahan.

Si Ellen ang calendar girl ng Tanduay for 2015 kapalit ni Marian Rivera.

Liz natalo ni Zen kay Atom?!

Matunog ang balitang magdyowa na sina Atom Araullo at Zen Hernandez. Noong birthday ng tatay ni Zen nagbigay pa raw ng regalo si Atom dito. Naku, paano ‘yan, ibig bang sabihin, talo na si Liz Uy?

Ibang klase talaga ang appeal ni Atom, matindi lalo na sa mga balingkinitang chicks. Dating nag-aartista si Atom, pero napansin niyang mas kursunada ng marami ang kanyang pagbabalita. At least, solo flight ang drama niya.

Personal

Happy Birthday kay Barangay Subic Baliuag Liaison Officer Carlos P. Garcia na magsi-celebrate ng kaarawan sa Nob. 26. Greetings from friends!

 

vuukle comment

AMPARO LUCAS

ATOM ARAULLO

BARANGAY SUBIC BALIUAG LIAISON OFFICER CARLOS P

CELIA RODRIGUEZ

CRISTINE REYES

EDDIE GARCIA

EDDIE GUTIERREZ

ELLEN ADARNA

GERMAN MORENO

GLORIA ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with