^

Pang Movies

Mark hindi malilimutan hangga’t may mga pelikulang Pinoy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi naiwasan ni Michael de Mesa na maiyak habang binabasa niya ang statement ng kanilang pamilya tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Ralph Joseph Eigenmann, o mas lalong kilala sa tawag na Mark Gil. Matagal nang may sakit si Mark, pero walang nagsasabi kung ano iyon. May mga nagsasabing cancer of the liver daw iyon, na tama nga pala, pero nanahimik silang lahat dahil ayaw daw ni Mark na malaman iyon ng ibang tao.

Masayahing tao iyang si Mark kahit na noong araw, at talagang ayaw niyang may nalulungkot. Lalo naman sigurong ayaw niyang may malulungkot ng dahil sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang ipaalam ang kanyang karamdaman, iyon din siguro ang dahilan kung bakit gusto nila ang isang matahimik at pribadong pagtitipun-tipon kung siya nga ay papanaw na. Mabilis na naipa-cremate ang mga labi ni Mark.

Una naming nakita at nakilala iyang si Mark noong bata pa siya. Child actor siya noon. May ginagawa siyang pelikula kasama iyong artistang si Pinky. Ang director nila ay si Howard Petersen na later on ay naging asawa nga ni Pinky. Si Howard ang nakaisip ng screen name na Mark Gil. Kasi sabi niya noon “kamukha siya ni Mark Lester” na sikat na sikat naman noon dahil sa pelikula niyang Oliver, at iba pang mga kasunod na pelikula. Simula noon, iyon na ang ginamit niyang screen name.

Nagtuloy ang career ni Mark at na­ging leading man sa maraming pelikula. Nang mauso ang sexy movies, pinasok din iyon ni Mark at sinasabi ngang noong kanyang panahon, siya ang pinaka-sexy sa lahat ng male stars. Pero gumawa man siya ng sexy roles, hindi siya nalinya sa bold stars dahil marami siyang ginagawang pelikula kung saan napatunayan niya ang pagiging mahusay na actor kung saan siya nakilala.

Tama nga ang sinabi sa statement ni Michael, “habang may pelikulang Pilipino, naririyan si Mark Gil.”

Himig Handog malaking tulong sa OPM

Paglalabanin ang 15 orihinal na kumposisyong Pilipino, puro love songs iyon dahil iyon ang tema ng kanilang contest na Himig Handog Pinoy Pop Love Songs. Ang mga kantang iyan ay maririnig na ninyo sa CD na inilabas na ng Star Records. Ang labanan ay magaganap pa sa September 28, at iyon ay mapapanood on the same day sa ABS-CBN. Kung gusto naman ninyo, maaari rin kayong manood nang live sa big dome.

Isa iyang laban ng mga composer , pero pinili nila ang mga pinakamahuhusay at pinakasikat na mga talent nila para maging interpreter ng mga kanta, kabilang na sina Jed Madela, Jessa Zaragoza, at maging si Daniel Padilla at iba pa. Kaya nga tiyak magiging hit din ang live show niyan sa Araneta.

Ganyan ang kailangan ng musikang Pilipino. Sa dinami-rami ng mga problema ng industriya ng musika, kabilang na ang lumalalang piracy at kawalan ng suporta ng iba, at least kumikilos ang ABS-CBN at ang Star Records na makagawa ng paraan para matawag ang pansin ng publiko.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

HIMIG HANDOG

HIMIG HANDOG PINOY POP LOVE SONGS

IYON

MARK

MARK GIL

PILIPINO

SIYA

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with