^

Pang Movies

Ai-Ai pinag-aaralan kung saang network dadalhin ang anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mag-aartista na rin si Sancho, ang panganay na anak ni Ai-Ai Delas Alas.

Suportado ni Ai-Ai ang dream ng kanyang anak na gustong sundan ang yapak niya sa showbiz.

Muntik nang sumali noon si Sancho sa isang reality show pero hindi natuloy.

Hindi nagkukulang si Ai-Ai sa paalaala sa kanyang anak na isang certified chef. Hindi madali ang maging artista dahil sa rami ng mga intriga at kontrobersya pero desidido ang bagets.

Pinag-aaralan ngayon ni Ai-Ai ang TV network na pagdadalhan kay Sancho na isang lucky son dahil sa full support ng kanyang ina para matupad ang dream niya.

Aljur tsugi na rin sa Bench underwear fashion show

Mabibigo ang fans ni Aljur Abrenica na ma­panood sa The Naked Truth ang kanilang idol.

Hindi kasali si Aljur sa denim and underwear fashion show ng Bench sa September 19 dahil hindi na siya celebrity endorser ng kompanya ni Ben Chan.

Nagkaroon ng problema kay Aljur ang Bench dahil sa kanyang nakansela na underwear pictorial noon. Ito ang isa sa mga dahilan na sinasabi ni Aljur kaya umalis siya sa GMA 7.

Hindi naman mami-miss si Aljur sa The Naked Truth dahil sa participation nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at ng ibang mga bagong celebrity endorser ng Bench.

Marami nga pala ang humihingi sa akin ng complimentary tickets para sa The Naked Truth. Sorry na lang sa mga nanghihi­ngi dahil alam sa showbiz na maaga akong natutulog at hindi ang tipo ko ang manonood ng fashion show sa isang lugar na malayo. Alamin n’yo na lang ang mechanics ng Bench para magkaroon kayo ng free tickets sa The Naked Truth.

Para hindi matulad dati Mark pinaghahandaan ang pagrampa uli sa Cosmo Bash

Nalulungkot pa rin si Mark Herras kapag naaalaala niya ang kanyang pumanaw na adoptive father na si Daddy Jun.

Nagpapasalamat si Mark dahil may mga kaibigan ito na good influence sa kanya at dinadamayan siya sa panahon ng kalungkutan.

Good influence na mga kaibigan dahil hindi nila niyayaya si Mark sa masamang bisyo. Kung hindi sila tumatakbo, computer games ang libangan ni Mark at ng kanyang mga kaibigan.

Ang pagpapaganda rin ng katawan ang isa sa mga pinagkakaabalahan ni Mark dahil sa kanyang balak na rumampa sa Cosmo Bash ngayong September. Nangako si Mark na babawi siya dahil hindi naging maganda ang kanyang karanasan sa unang pagrampa niya noon sa yearly event ng isang glossy English magazine for women.

vuukle comment

AI-AI

AI-AI DELAS ALAS

ALJUR

COSMO BASH

DAHIL

KANYANG

NAKED TRUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with