^

Pang Movies

Matteo ayaw ‘gamitin’ si Sarah, relasyon nila hindi pa raw masyadong stable

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon sa presscon ng Somebody to Love ay kinumpirma ni Matteo Guidicelli na hindi na nga si Joji Dingcong ang kanyang manager na for the longest time ay siyang humahawak ng career niya at co-managed ng Star Magic.

Pero hindi raw siya kumuha ng ibang manager dahil ang Star Magic na raw ngayon ang solong nagma-manage sa kanya.

Wala naman daw silang naging problema at maayos naman daw ang kanilang naging usapan.

“Officially, it’s Star Magic now. Kuya Joji is still there and he’s still my consultant. He will always be around. Parang tatay ko na rin siya, simula nung 14 years old so, hindi ko naman pwedeng balewalain si Kuya Joji dahil malaking parte siya ng buhay ko,” pahayag ni Matteo.

When asked kung bakit sila humantong sa ganitong desisyon, ang nasambit ng lang ni Matteo ay “it’s a decision we made, mutual understanding, it’s something we talked about, walang problema. Kuya Joji is the best.”

Samantala, pagdating sa girlfriend na si Sarah Geronimo ay tipid ang mga salita ni Matteo dahil he’s promoting his film at ayaw naman daw niyang isiping ginagamit niya ang GF para sa kanyang sariling pelikula.

“I want to protect everything this way. I just don’t really want to speak a lot about it (their relationship) dahil I don’t want people to think na ginagamit ko siya sa pelikula namin. Talagang nagpo-promote lang ako ng pelikula. So, I’m very careful. Some other time, if I’m not promoting a film, we can talk more about it,” sabi ni Matteo.

Ayon pa sa young actor, bago pa lang daw ang relasyon nila kaya he wants it to be a little private sana muna.

“At kung strong na talaga, kung stable na talaga lahat, eh ‘di mas magiging mas comfortable tayo na mag-share or mag-open. Hindi naman sa ayaw kong maging open, it’s just that kailangang i-strenghten muna lahat,” he said.

Humirit pa kami and asked kung may blessing ba ng parents ni Sarah ang pag-amin nila sa kanilang relasyon at sa relasyon nila mismo since alam nga nating lahat na strict ang parents ng dalaga.

“Ah, alam naman nila lahat,” maikling sagot ni Matteo.

Samantala, sa Somebody to Love ay kasama ni Matteo si Carla Abellana, Jason Abalos, Iza Calzado, at marami pang iba. Showing na ito sa Aug. 20 mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

KC nabunutan na ng tinik

Dahil nasa U.S. nga si KC Concepcion nang umeere ang book 1 ng Ikaw Lamang, hindi raw niya ito napanood kaya nang malaman niyang makakasama siya sa transition ay inaral daw niya talaga ang lahat ng mga character.

“Right away when they brought it up sa phone, sabi ko, sige, sige babalik na ako, pinagalitan na rin ako ng ma-nager ko kasi kailangan ko na rin talagang bumalik.

“When I came back, since hindi ko nasubaybayan ‘yung serye, humingi ako ng parang tapes or files ng mga episodes. Kasi ‘yung Natalia, ‘yung role ko, nung bata, hinubog na nila agad to be kung ano ako ngayon sa soap.

“So, parang kinailangan ko siyang aralin kung ano ‘yung closeness nila ni Franco, kung paano siya talaga, kung ano ang role niya sa buhay ni Franco kung bakit ganun siya kinuha at pinalaki,” kwento ni KC.

Aniya ay pinanood din niya ang last episode ng book 1 last Friday para raw talagang makuha niya ang mga character.

Ngayong nakapagpaliwanag at naklaro na ni KC ang tungkol sa mga isyung lumabas sa kanya while she was in the States tulad nga nung buntis issue, aniya ay medyo maluwag na raw ang pakiramdam niya.

“Kasi po for the longest time, parang ayoko nang mag-comment lalo ‘pag wala namang katotohanan kasi wala naman ‘yun magagawa for me. Pero dahil siguro sa ang taga­l-tagal na and na-realize ko na, ano ba naman ‘yung i-deny ko na lang kasi totoo namang hindi nangyari.

“So, ‘yun, parang siyempre, nabunutan din ako ng tinik sa totoo lang, kasi parang finally, maririnig from me personally na wala talagang katotohanan,” say pa ni KC. 

 

vuukle comment

CARLA ABELLANA

IKAW LAMANG

IZA CALZADO

JASON ABALOS

KUNG

KUYA JOJI

MATTEO

NAMAN

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with