^

Pang Movies

Nagpaka-professional Direk Joyce tinapos muna ang Da Possessed bago pinuntahanang namatay na tatay

Pang-masa


MANILA, Philippines - Ang production staff ng Da Possessed ang kasabay ni Direk Joyce Bernal na umuwi sa lugar nila sa San Carlos City, Pangasinan noong Martes.

Nakiramay ang production staff kay Binibining Joyce na namatayan ng ama noong Sabado.

Kasalukuyang nakaburol sa San Carlos City ang mga labi ng yumaong ama ni Direk Joyce, si Mr. Alejandro Bernal.

Nag-e-edit si Direk Joyce ng pelikulang Da Possessed nang makarating sa kanya ang malungkot na balita na yumao na ang kanyang ama, pero tinapos pa rin niya ang editing ng pelikulang pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Solenn Heussaff dahil sa Sabado na ang playdate nila.

Binalikan din ni Direk Joyce ang final sound mixing ng Da Possessed at ipina-grade sa CEB (Cinema Evaluation Board) noong Martes at saka bumalik sa kanilang lugar para asikasuhin ang burol ng yumaong ama.

Hindi lang basta nagpaka-professional si Direk Joyce sa kanyang ginawa kundi minsan pa ay pinatunayan niya ang kasabihan sa showbiz na “The show must go on” na kahit namatay nga ang kanyang ama ay hindi niya pinabayaan ang trabaho sa pelikula ng Star Cinema, Inc. at Regal Entertainment, Inc.

Annabelle Rama hindi sinamahan ng mga anak sa Baguio

Biglang nagbago ang plano ni Annabelle Rama na sa Baguio City mag-spend ng Holy week ang kanyang pamilya.

Ayon kay Bisaya, silang dalawa lang kasi ng mister na si Eddie Gutierrez ang makakapunta sa Baguio, kaya biglang naiba ang mga plano niya.

Kung noon kasi, basta nagyayaya na mag-Baguio si Bisaya ay kaagad sumasama ang kanyang mga anak, pero ngayon ay hindi na.

Nasa Barcelona, Spain si Ruffa Gutierrez (su­munod naman kahapon sa TV host/actress ang mga anak na sina Lorin at Venice) at noong Martes naman umalis si Raymond Gutierrez pa-Bali, Indonesia at ang ibang mga anak naman niya ay may kanya-kanyang destinasyon ngayong Holy week, kaya sa bahay na lang nila sa White Plains, Quezon City mananatili ang mag-asawa.

“Niyaya ko si Chard na sumama sa amin ng Daddy niya sa Baguio. Sabi ko, isama na niya si Sarah (Lahbati, girlfriend ng aktor), nasanay na rin naman kasi kami sa Baguio at lately nga, panay din naman ang sama nila sa amin ng Daddy niya kapag nagpupunta kami roon, pero ayaw raw nilang sumama ni Sarah dahil ayaw nilang sumabay sa sobrang traffic.

“Sabi ni Chard, doon na lang daw sila sa Dasma (Dasmariñas house) mag-i-stay. Solo nila ngayon ang Dasma dahil wala sina Ruffa. Mas gusto yata nila na tahimik muna.

“Kung sabagay, nasa TV din, puno ngayon sa Baguio, pati lahat ng hotels doon, puno, kaya siksikan. Ma-traffic, mas mabuti nga naman na rito na lang kami sa Maynila,” sabi ni Bisaya.

Malamang daw, isama na lang niya ang mister, pati sina Richard at Sarah sa pagbi-Visita Iglesia ngayong araw na ito.    (JUN LALIN)

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BAGUIO

BAGUIO CITY

BINIBINING JOYCE

BISAYA

DA POSSESSED

DIREK JOYCE

NIYA

SAN CARLOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with