Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Baliktad na Oyo gaganap na tatay ni Vic

Ginanap noong Martes ang story conference ng Vampire ang Daddy Ko, ang mala-Twilight na sitcom ni Vic Sotto at ng kanyang anak na si Oyo.

Kakaiba ang sitcom dahil si Oyo ang gaganap na tatay ni Vic. Dumalo sa story conference ang mga bossing ng GMA 7 na excited sa kanilang bagong project.

Dahil si Vic ang bida, sure ako na co-producer ng project ang kanyang M-Zet Television.

Bagong show ni Pacman kasado na

Magiging weekly show ang Para sa ‘Yo ang Laban na ‘To, ang public service program ni Congressman Manny Pacquiao sa GMA7.

Next month na ang airing ng Para sa ‘Yo na pasamantalang mapapanood sa SNBO ng GMA 7. Tuwing Linggo ang SNBO at mukhang ang show ni Vice Ganda ang makakatapat ng public service program ni Papa Manny na magiging busy sa kampanya para sa kandidatura  nila ni Jinkee.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Luke kinaawaan pa rin sa naging kapalaran sa ama

Hindi idine-deny ni Luke Mejares na da­lawa na ang kanyang mga anak. Nagkataon lang na walang nagtatanong sa kanya kaya hindi siya nagkukuwento tungkol sa personal na buhay niya.
Natatandaan ko nang umapir noon si Luke sa Startalk.

Ang lungkut-lungkot niya dahil tumanggi ang kanyang American father na kilalanin siya. May sariling pamilya sa Amerika ang tatay ni Luke at hindi alam ng kanyang misis na nagkaroon siya ng lovechild sa Pilipinas.

Awang-awa kay Luke ang Startalk televiewers dahil sa naging trato sa kanya ng tatay niya. Imagine, gumastos siya ng pera at nagpunta sa US para lang makilala ang biological father pero itinakwil siya. Nanindigan ang malditong ama ni Luke na wala siyang anak sa labas.

Ewan ko lang kung ano ang karma na mararanasan ng biological father ni Luke. Kasumpa-sumpa ang ginawa niya sa sariling anak. Kita n’yo naman, good karma si Luke dahil maganda ang takbo ng kanyang buhay. Natupad ang dream niya na maging sikat na singer at noong Martes, naglunsad siya ng bagong CD album, ang Luke Mejares, Kasayaw.

Kahit itinakwil siya ng sariling ama, hindi nawalan ng hope si Luke. Ginamit niya ang malungkot na episode ng kanyang buhay para maging successful singer siya. Dapat magpasalamat ang biological father ni Luke dahil mabait ang kanyang anak ‘no!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: