PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Williams, Intal magkasalo sa PBAPC Player of the Week

MANILA, Philippines - Sapul nang payagang muling makalaro ay hindi na napigilan pa si Kelly Williams sa pagnanais na makabalik sa kanyang dating porma para sa Sta. Lucia.

Ang dating Ateneo Blue Eagle naman na si JCIntal ang namayagpag sa nakaraang dalawang sunod na panalo ng Barangay Ginebra.

Mula sa mga ito, tinang-hal sina Williams at Intal bilang KFC/Accel-PBA Press Corps Co-Players of the Week para sa linggo ng Enero 4 hanggang 10.

“Kelly had been working hard since he was given the go-signal to play,” wika ni head coach Boyet Fernandez sa kanyang Realtor na si Williams na nagtala ng mga averages na 20.0 puntos, 18.0 rebounds, 2.5 assists, 2.5 steals at 1.0 blocked shot sa kanilang mga panalo sa Rain or Shine Elasto Painters at Burger King Whoppers.

Halos magwakas ang basketball career ng 2008 PBA Most Valuable Player awardee matapos magkaroon ng pambihirang 'blood disorder' sa kalagitnaan ng 2009 PBA Fiesta Conference.

At sa pagbabalik sa kanyang pamatay na porma, tinanghal si Williams bilang co-Player of the Week para sa linggo ng Nobyembre 16-22 kasalo si LA Tenorio ng Alaska.

Taglay ngayon ng Sta. Lucia ang 9-6 kartada na nagpalakas ng kanilang pag-asa para sa isa sa tatlong outright quarterfinals seat. (RCadayona)

  • Follow Us: