^

Police Metro

Du30: Dead or alive sa Sayyaf

Ellen Fernando, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hanapin buhay man o patay ang mga te­rorista na umatake sa Bohol”.

Ito ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay nang pag-alok ng tig-P1 milyong pabuya para sa ulo ng pito pang miyembro ng Abu Sayyaf Group na natitira  sa Bohol.

Sinabi ni Duterte na mahigpit niyang ipinag-utos sa militar at pulisya na galugarin ang posibleng pinagtataguan ng mga teroristang Abu Sayyaf at bombahin ito.

Mas gusto ko ang dead kesa alive, kasi magpapa­kain pa ako….,” anang Pangulo sa press briefing sa Bohol kahapon ng hapon.

Ayon sa Pangulo, magbigay lang ng impormasyon ang isang tipster sa pulisya o militar sa kinaroroonan ng mga hinahanap na terorista at bahala na ang gobyerno na siyang tumugis sa kanila.

Sinabi ng Pangulo na hindi na niya hihintayin na maghasik pa ng karahasan ang mga terorista kung kaya iniutos na niyang tapusin na ang mga ito.

Iginiit ng Pangulo na kapag positibo ang mga otoridad sa kinaroroonan ng mga terorista ay bombahin agad ng tangke at huwag nang hayaan pang sumuko.

Nais din ng Pangulo na armasan ang mga sibilyan sa Bohol at ibang lugar upang maipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga terorista.

Dahil sa pangamba ng pagkakaroon nang presensya na ng mga terorista sa Central Visayas, hinimok ng Pangulo ang mga sibilyan na armasan ang kanilang mga sarili.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with