^

PSN Opinyon

Kotong minamaliit na kasong pulis

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

LAHAT nang pusakal ay nagpapanggap na santo. Hang­­ga’t hindi tinatamaan ng kidlat ng pagpapakatino, pina­lalabas nila na maliliit lang ang mga kasalanan. Ehem-plo ang 228 tiwaling pulis Metro Manila na sinabon ni President Rodrigo Duterte kamakailan.

Ani mismong PNP director general Ronald dela  Rosa, “minor” lang ang mga paglabag nila. Nang tanungin sila, anila ito’y tardiness, moonlighting at extortion. Nguyngoy pa ng isa na natural lang siyang ma-late pumasok sa trabaho, kasi naka-night duty siya.

Aba’y hindi maliliit kundi malalala ang mga sala na ‘yon. Kaya pala sabog na ang disiplina sa PNP; hindi sineseryoso ang kasamaan.

 Nagpapakita ang tardiness ng kapabayaan at pagtalikod sa tungkulin. Hindi maipagtatanggol ng pulis na malimit ma-late sa duty ang sariling presinto; e di lalo ang komunidad laban sa kriminal. Dismissal ang parusa sa tardiness, sa ilalim ng PNP rules.

Ang pulis na nagmu-moonlight bilang private bodyguard o nightclub bouncer ay nag-aabuso ng awtoridad. Dinudungisan niya ang uniporme, miski hindi ito suot. Unbecoming conduct at dishonesty ito; pinaparusahan ng pagsibak sa Code of Conduct for Public Officials.

 Laganap ang extortion sa PNP. Sa pagkamuhi rito ng madla, lumitaw ang mga bansag na “kotong-cops” at “hulidap.” Ang extortion ay pagnakaw ng ari-arian, halimbawa pera, sa pamamagitan ng dahas o panana­kot. Halimbawa, pangongotong sa biyahero ng isda para palusutin sa checkpoint. O kaya’y pagbantang kakasuhan ng kahindik-hindik na krimen, para pasukahin ng lagay. O kaya’y bruskong pagposas sa nahuli, para magsuhol nang malaki at makalaya nang walang sakdal.

Madaling manakot ang kotong-cops. Uniporme at tsapa pa lang ay nakakasindak na, e di lalo pa kung bumunot ng batuta o baril.

  Pinagtatakpan ng hepe ang kotong-cops. Kasi sila mismo ang nag-uutos ng pangongotong. May quota ang mga tauhan sa tong collection.

vuukle comment

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with