^

Dr. Love

Lihim na plano para sa apo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Isa po akong mapagmahal na ina ng kaisa-isa kong anak na babae na ang tanging pinagsisihan ngayon ay ang pagpapakasal sa lalaking iba ang relihiyon kaysa sa nakamulatan niyang pagiging Katoliko.

Bagaman hindi nagkaroon ng isyu kung saan sila magpapakasal, sa pagpapabinyag naman sa aking apo sila hindi magkapagdesisyon, kaya isang taon na ang bata hindi pa rin nabibinyagan.

Hindi naman ang mister ng anak ko ang tumututol, kundi ang biyanan niya. Sa nakikita ko ay mahal ng manugang ko ang aking anak kaya magagawa nitong magpaubaya.

Dumating po ang malaking pagkakataon para sa akin na mapabinyagan ang aking apo na si Marife. Dahil aalis papunta sa ibang bansa ang aking anak at manugang para mamasukan sa isang ospital doon bilang nurse at medical technologist sa loob ng tatlong taon.

Hindi nila mapalampas ang magandang offer, na magbibigay ng pagkakataon sa kanila para makaipon nang pambili ng bahay at lupa.

Alam kong magkakaroon ng problema ang apo ko kapag lumaki siyang hindi nabibinyagan. Gayong balak siyang pag-aralin ng anak ko sa pribadong Catholic school.

Naipagtapat ko na po sa kaibigang pari ng aming pamilya ang problema at payag siyang binyagan ang aking apo. Ano po ang maipapayo ninyo sa akin?

Maraming salamat po at magandang araw sa inyo.

Gumagalang,

Lola Tonya

Dear Lola Tonya,

Bagaman ang plano ninyong lihim na pagpapa­binyag sa iyong apo ay dulot nang hangarin ayon sa inyong paniniwala, pero kung ako ang tatanungin ay hindi ko sinasang-ayunan na pangunahan ninyo ang inyong anak at kanyang asawa na magdesisyon para sa kanilang anak.

Hindi malayo na pagmulan pa ‘yan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila, alam ko ayaw ninyong sapitin iyon ng mag-asawa. Para sa kapanatagan ng inyong kalooban, bakit hindi mo i-open sa iyong anak ang plano mo at bahala siyang kausapin ang mister niya. Kung pumayag, mabuti pero kung hindi, ipaubaya mo na sa kanila bilang magulang ang bagay na ‘yan.

DR. LOVE                                               

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with