^

Police Metro

1 sibilyan patay din... npa ambush: Hepe, 5 tauhan patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang police colonel na hepe ng pulisya, lima nitong tauhan at isang sibilyan ang nasawi nang sila ay pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na ambus kahapon ng umaga sa Sitio Mandi-e, Brgy. Magsaysay, Guihulngan City, Negros Oriental.

Kinilala ang nasawi na si Supt. Arnel Arpon, chief of police ng Guihulngan. Habang ang dalawa sa   apat pa nitong tauhan na nasawi ay kinilala sa mga apelyidong SPO4 Tadillon at PO3 Bolandres.

Ang isa pang nasawi ay kinilalang si Michael Jambalos, driver ni Provincial Board member Edison dela Rita.

Sinabi ni Col. Eliezer Losañes, Commander ng Army’s 303rd Infantry Brigade (IB), bandang alas-10:00 ng umaga nang mangyari ang pa­nanambang sa bisinidad ng highway ng Brgy. Magsaysay ng lungsod na ito.

Nabatid na nagresponde  ang nasabing hepe at mga tauhan nito sa lugar matapos silang tawagan ni Dela Rita hinggil sa umano’y tangkang pa­nanambang sa kanila ng kaniyang driver habang bumabagtas ang behikulo sa lugar patungong Brgy. Poblacion.

Pagsapit sa lugar ay tinambangan ng mga nakaposisyong rebelde  ang mga pulis na agad ikinasawi ng opisyal at lima nitong tauhan habang isa pang pulis ang nasugatan na mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Nag-reinforce naman ang tropa ng militar pero hindi na inabutan ang mga nagsitakas na rebelde.

Magugunita na kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa hanay ng CPP-NPA-NDF kung saan nagbanta naman ang komunistang grupo na patitindihin ang mga pag-atake sa mga balwarte nitong teritoryo sa buong bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with