^

PSN Opinyon

Madlang pinay, ganda babae

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BINABATI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si 2016 Miss International Kylie Verzosa, ang pambato ng Philippines my Philippines na nanalo dyan sa Tokyo Dome City Hall, Japan.

Tinalo ni Kylie ang mga taga - Indonesia, Australia, US of A, Nicaragua at iba pang bebot dahil pinaglabanan lamang nila ang first, second, third, fourth runners-up.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, panibagong karangalan ang binitbit ni Verzosa sa Philippines my Philippines kaya naman  nayuyugyog ang buong mundo sa mga ‘ganda babae’ sa atin. Hehehe!

Congrats, Kylie!

Abusadong drivers

ALAM kaya ng madlang people na hindi lahat ng mga pampublikong drayber sa Philippines my Philippines ay marunong bumasa lalo na yong mga traffic signage sa mga kalsada.

Bakit?

Sagot - binabalewala ng mga drayber ng dambuhalang bus at jeepneys ang mga signage sa kalye kaya hindi nila binibigyan ng importansiya ang mga ito.

Ika nga, mga abusado kasi!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro panahon na para pabigatin ang delihensiya este mali parusa pala sa mga drayber na lumalabag sa traffic violation.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan na itong gawin ng gobierno para magtanda ang mga abusadong drivers lalo na iyong mga dambuhalang bus at jeepneys.

‘Bakit sa Subic kung saan-saan lupalop galing ang mga bumibisita o dumadaan dito pero sumusunod sila sa batas trapiko habang nasa loob sila !’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasi malaki ang penalty at walang lagayan kapag nahuli kang lumabag sa pagmamaneho sa SBMA.

Bakit kapag lumabas ng Subic balik sa dating gawi ang mga barumbadong drivers?

Sagot - kasi nga gago sila!

Ano ang dapat gawin?

Sagot - siguro dapat talagang lakihan ang penalties sa mga mahuhuling barumbado at mga abusadong drivers dapat din siguro i-ayos ang mga traffic enforcers na hindi na sila puedeng lagyan.’ sabi ng kuwagong mangungulimbat.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro mas mainam na ikasa sa P2,000 ang multa para sa isang simpleng traffic violation at kung ‘reckless driving’ ang mga pinaggagawa ng mga barumbadong drivers siguro mas mataas pa ang multa para magtanda ang mga Kamote.

Korek ka dyan!

Abangan.

Celebrities, nasa drug watchlists

HINDI pa man pinapangalanan ni Boss Digong ang mga celebrities nasa drug watchlist ay may mga umaaray na .

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin dapat ilantad ang mga pangalan ng mga celebrities na nasa watchlists para sila magbagong buhay dahil tiyak mapapahiya sila at malamang isnabin na sila ng mga producers para kunin silang taartits.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bakit hindi pa noon dehins pa si Boss Digong ang panggulo este mali pangulo ng Philippines my Philippines sila nagsitigil sa kanilang masamang bisyo ngayon ilalantad ang kanilang mga pangalan para gusto nilang humingi ng tuwad este tawad pala.

Sabi nga, unfair ito sa ibang adik?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may level din dapat sa mga celebrities na gumagamit ng droga dahil alam ng mga kakilala nila o nakakaamoy sa kanila kung dupang na sila sa ipinagbabawal na gamot o medyo patsongki-tsonki lang.

‘Mga artistang gumagamit din ang kumanta sa kanila kaya ayon nabuko tuloy na tumitira ang mga Kamote.’ sabi ng kuwagong naaagnas.

Tanong - sino ang pusher sa kanila?

Abangan.

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with