^

PSN Opinyon

Kadakilaan ng mga guro

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KADALASAN sa tuwing may kalamidad katulad ng bagyo nakakaligtaang bigyan ng pansin ang kadakilaan ng mga guro. Sa kabila na biktima rin ang mga guro, mas inuuna pa nilang sinupin ang mga gamit sa paaralan na puwede pang pakinabangan ng mga estudyante nila. Maging ang klase ng mga estudyante ay naaapektuhan dahil ginagawang evacuation center ang mga paaralan. Ang masakit may mga kababayan tayo na hindi kuntento sa kanilang kalagayan kaya hindi naiiwasan na masira ang mga gamit ng bawat silid na kanilang kinakanlungan. Kaya nang lisanin ito ng mga evacuees doon na papapel ang mga uliran nating mga guro na sinupin at ayusin ang mga nagkalat at nasirang kagamitn ng bawat silid.

Iyan ang aking naobserbashan sa mga nagdaang bagyo, katulad na lamang noong Bagyong Yolanda na humagupit sa Capiz at Iloilo City noong Nobyembre 8, 2013. Halos lahat nang mga residente ay kumanlong sa mga paaralang hindi gaanong winasak ni Yolanda na tumagal ng halos isang buwan. Bumaho at nagkasira-sira ang mga silid aralan noon kung kaya nang lisanin ito ng mga evacuees ay agad na sininop ito ng mga dakilang guro upang muling mapakinabangan ng mga estud­yante. Ganito rin ang nangyari nang sumalanta ang Bagyong Karen at Lawin kamakailan sa Isabela at Cagayan at ilan pang lalawigan sa Northern Luzon.

Sa aking paglilibot sa Nueva Ecija nakausap ko ang isang guro hinggil sa serbisyo nila sa tuwing may kala­mi­dad at pinagkakaabalahan. Ibinahagi sa akin ni Teacher Cindy Abergas Domingo ang kanyang naiambag na tulong sa mga taong nangangailangan ng kalinga bagamat malayo ito sa tema sa mga sinalanta ng bagyo. Hehehe! Ito ang kanyang  Eye Opening Experence na buong-buo kong inilathala.

Barangay Pangatian, Cabanatuan City, Nueva Ecija is an adopted barangay of Wesleyan University-Philippines-Nueva Ecija. Within this barangay resides an initiative of Outreach Community Church of Wesleyan University, about 8 km from the Central Business District of Cabanatuan City. People live in this unplanned urban settlement, like the other slum across the country and around the world, residents are forced to contend with highly compromised living conditions including poor sanitations and sewerage system, high rates of unemployment, social amenities and poor housing among other challenges. This has a definite impact on children especially aged below five years. Effects include increasing child mortality, poor maternal health. Professor Catalino Hibaya,Jr., our professor together with my fellow classmates on MAED-SOCSCI, observed that this particular area in Pangatian is a place  where the most basic needs are not met for the majority. The high poverty levels have translated to inability of some households to adequately fend for their families including providing balanced meals. With the increasing cost of living, high inflation rates, high food and fuel cost in these past few years, the most negatively affected category are low income earner and their families. Our outreach program has met its initial and simple goal of providing food but the story does not end here. Many critical factor breaks the poverty cycle and that serves an eye opening scenario of the word and how to breaks its cycle. Considering the help from the local government, we, too can join hands in helping to fight poverty, it’s our moral obligation as a human being. We’ll never be a modern day super hero, but in our own simple ways let’s build future for them.

Marahil isa lamang itong si Mam Cindy sa mga gurong aking sinasaluduhan, dahil alam ko marami pang mga guro ang mas higit pa ang ginawa sa kapwa. Sa inyo mga guro, mabuhay kayo. Nawa’y huwag ninyong pagsawaan ang pagtulong sa mga kabataan at mga kababayan dahil ang pabuya ay malapit na n’yong makamit. Iyan ay kung mapansin kayo ni Pres. Rodrigo Duterte. Abangan!

 

vuukle comment

GURO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with