^

Police Metro

Tinted na sasakyan ipagbabawal

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nakatakdang ipatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa tinted na salamin ng mga sasakyan maging ito ay sa pribado at pampublikong behikulo.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, pinag-uusapan na nila ng mga opisyal ng Philippine National Police, Highway Patrol Group  (PNP, HPG) at Land Transportation Office (LTO) ang pagbawal sa mga motorista ang paggamit ng mga colored tinted na salamin sa kanilang sasakyan sa darating na buwan ng Hunyo.

Anya, ang pagpapatupad ng anti-tinted vehicle regulation ay bahagi ng  seguridad upang malaman kung ano ang nasa loob ng sasakyan at sa pagpapatupad na rin ng Anti-Distracted Driving Act.

Gayunpaman, sinabi ni Orbos, hinihintay na lang nila ang rekomendasyon ng mga car manufacturer hinggil  mga tinted na behikulo dahil may grade aniya kung ilang degree ang paglalagay ng color tint sa isang sasakyan.

Sa ilalim ng LTO at MMDA regulation, ang pag­lalagay ng  heavily tinted colored/painted windshield o  window glass ay ipinagbabawal na may multang  P500.

 

vuukle comment

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with