^

Kutob

Setyembre 11, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Iisa lang ang tagapagligtas, si Hesus ang alayan ng iyong pagsamba.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Nagta­tagumpay ang pagtitiyaga at pagsisikap. Magsisimulang pitasin ang matamis na bunga. Sa mga walang tiyaga, walang sikap at tamad, hikaos ang daranasin. Kung hangad ay umunlad, iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 14, 30 at red.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kung hindi mapaglalabanan ang pagkatamad, hindi makakapasok sa trabaho. Kung makapagtrabaho man, magiging maikli ang pasensiya at mainitin ang ulo. Ma­ging mahinahon at magpasensiya para malayo sa disgrasya o away. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 32, 37 indigo.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal o matatamis na salita, kundi sa gawa at pag-unawa. Sikapin na matupad ang pangako sa minamahal. Mapapasakamay ang hangarin sa pag-ibig kung taos-puso at malinis ang pakay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 25, 36, at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismis. Maraming makabuluhang bagay na dapat gawin. Kung gusto ng kaunlaran kilos, sipag at tiyaga ang dapat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 25, 37 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maa­aring makatanggap ng magandang balita mula sa koreo, tele­pono o sa makabagong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Ipagpaliban ang balak sa paglalakbay. Nasa signos ang aksidente o disgrasya kaya iwasan ang dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 9, 37, at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Pakiramdaman ang kutob nang hindi magkamali sa gawain o desis­yon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo ng maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismis. Ang pagbibigay halaga sa kalusugan ng magulang o kaanak ay dapat bigyang panahon at pansin kung may karamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 39 at carnilian.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwasan ang ma­ngako dahil hindi kayang tuparin. Ang usapan ay  salamin ng pagkatao na dapat hindi masira. Mapalad na transaksyon ang darating na hindi dapat palampasin. Walang dahilan para magkaroon ng abala sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 25, 36 at agate green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Makulay ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo dahil kung mangyayari, walang magagawa. Kaunting panahon na lamang ang kailangan para maabot ang hinahangad kung tuloy ang magandang gawi at gawain. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 36, 41, at fuchsia.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Iwasan ang mapag­larong isipan dahil maaaring pasukan ng hindi magan­dang ideya. Maghunos-dili ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang feminine desire na kung hindi mapipigilan ay mapapahamak. Sa mga lalake, magiging malakas ang masculine desire at kung walang disiplina, baka magsisi sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 13, 17, 24 at light green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Iwasan ang magtampo dahil walang mapapala kundi sakit ng damdamin at magiging emosyunal. Kung taimtim ang dalangin, mapapawi ang suliranin at mapapanatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payong matatanggap mula sa nagmamahal, magulang o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 15, 32 at emerald green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magpakahinahon dahil mapapasabak ka sa mental o pisikal na gawain. Huwag mag-atubili sa kakayahan dahil sa ayaw at gusto, kailangan may magawa. Pagod at hapo ang mararamdaman sa hapon o gabi, subalit kasiyahan ang kapalit sa mga tapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 12, 30, 37 at green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Dalawang uri ang payo, may mabuti at may makakasama. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payong matatanggap. Sikapin­ na mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan, maging sa pinapasukan. Iwasan na magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Layuan ang makamandag na tukso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 25, 36 at royal blue.

vuukle comment

COLOR

DAY

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with