^

Kutob

Kutob - Oktubre 22, 2000

- Madam Rosa -
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Makukuha ang iyong gusto sa araw na ito sa pamamagitan ng isang malapit na kaibigan na siyang tutulong. Malalampasan ang mga pagsubok na darating sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 8-2-5-25 at tangerine.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Mainam na pakinggan ang mungkahi ng kasosyo sa negosyo. Higit na mahalaga ang maging mahinahon sa lahat ng ginagawa. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa mga taong makakatagpo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 6-0-2-22 at purple.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Higit kang mapapalapit sa biyaya ng Diyos. Taglayin sa tuwina ang pagiging matimpiin. Magiging mabunga ang pagsasaayos ng mga bagay-bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8-2-7-37 at orange.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Kailangang magkaroon ng isang tamang kapasyahan ngayon. May diin ngayon ang mabuting kapalaran sa kalagayang pinansyal. Mangingibabaw ang pananalangin sa Diyos ngayong araw. Lucky numbers at color for the day ang 2-6-1-19 at amethyst violet.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Makabubuti sa relasyong pampamilya ang paggawa sa loob ng bahay. Gagawin mo ang anumang maaaring magawa para sa hinaharap. Masyado kang emosyonal sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 1-5-3-31 at tan.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Maging mapang-unawa sa minamahal kailanman. Laging ikaw ang kanyang nasa isip. Pinananabikan ka ng minamahal at magiging mahalaga siya sa iyo sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 8-0-1-21 at white.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Isang bumalewala sa iyo nang nakaraan ang magbibigay ng papuri na nararapat sa pagsisikap. Kung wala kang trabaho o hindi ka kuntento sa iyong trabaho, maaaring ito ang hinihintay mong tamang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 4-2-7-5 at brown.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- Hindi malulutas ang anumang problema kung ito ay iyong tatakbuhan. Maganda at maaliwalas ang araw. Mahalaga na mapag-ukulan ng pansin ang pangangailangan ng kapatid. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-8-22 at sapphire blue.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Maabilidad sa buhay at may hilig sa negosyo. Makulay at maligaya ang araw hatid ng isang bagong pag-ibig. Magtitiwala ka sa kanyang pag-ibig at siya ang buhay mo. Lucky numbers at color for the day ang 1-2-5-13 at crimson.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Huwag kaagad maniniwala sa mga makakarating na balita. Maging maingat sa iyong paglalakad. May palatandaan na ikaw ay tumatahak sa katuparan sa pag-ibig. Aakit ng pansin ang isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6-2-8-28 at yellow.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Ipagpaliban ang paglalakbay lalo na kung malayo ang patutunguhan. Umiinig ang mga pangyayari sa salapi sa araw na ito. Matitigib ka ng inspirasyon at kaligayahan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 3-0-1-11 at scarlet.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Hindi napapanahon ang paghingi ng tulong sa maimpluwensyang tao. Ang katapatan sa pakikitungo sa ibang tao ay lubhang mahalaga. Ilang naisantabing problema ang maaaring bumagabag sa iyong isipan ngayong araw. Lucky numbers at color for the day ang 8-2-3-21 at brown.

vuukle comment

ARAW

COLOR

DAY

DIYOS

HIGIT

HUL

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with