^

Metro

24/7 police visibility sa QC, utos ni Bistek

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinakalat na ni Quezon City   Mayor Herbert Bautista ang mga elemento ng Quezon City Police sa ibat- ibang lugar sa lungsod upang round the clock na magbantay at tiyaking ligtas na gunitain  ang Semana Santa ngayong taon.

Partikular na pinababantayan ni Bautista kay QCPD director Chief  Supt. Guillermo Eleazar ang matataong lugar laluna ang MRT stations at mga bus terminals na sakop ng  EDSA at Cubao na dagsa ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong Mahal na Araw.

Pinalalagyan din ni Bautista kay Eleazar ng police assistance center sa mga terminals upang mabilis na malalapitan ng mga tao sa panahon ng emergency .

Pinakilos din sa pamunuan ng QCPD ang pagsasagawa ng 24/7 foot, mobile at motorcycle patrol upang bantayan naman ang mga tahanan na kalimita’y walang tao dahil nagsisiuwi sa kanilang probinsiya ang maraming mamamayan sa panahong ito.

Hinikayat rin ni  Bautista ang QCPD na gamitin ang mga bagong sasakyan na ibinigay ng pamahalaang lungsod upang mag-ikot sa mga lansangan laluna sa mga lugar na nagsasagawa ng senakulo at pabasa.

 Pinakikilos din ni Bautista ang pamunuan ng  Department of Public Order and Safety (DPOS) at barangay security development officer (BSDO) na makipagtulungan sa QCPD upang  matiyak na ligtas ang mamamayan sa paggunita ng semana santa.

vuukle comment

MAYOR HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with