^

PM Sports

Red Warriors tinapos ang kampanya sa UAAP mula sa panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinara ng University of the East ang kanilang kampanya mula sa 1-0 panalo sa Adamson University sa UAAP Season 79 men's football tournament kamakalawa ng gabi sa Rizal Memorial Stadium.

Isinalpak ni Krysler Opeña ang nag-iisang goal ng laro sa 82nd minute para tulungan ang Red Warriors na tapusin ang kanilang season bitbit ang tatlong sunod na panalo.

Itinuring na ‘giant killer’ matapos talunin ang Final Four-bound teams Far Eastern University at Ateneo, umupo ang UE sa seventh place mula sa kanilang 14 points.

Kumpiyansa si roo-kie coach Fitch Florence Arboleda na mas magi-ging maganda ang ipapakita ng Red Warriors, huling nagkampeon no-ong 2001, sa susunod na UAAP season.

“Iyong mga players ko sobrang ready for next season. Walang ma-wawalang mga players, sana may dumagdag,” wika ni Arboleda.

“Last three games namin, wala kaming mali. Good thing, ‘yung conversion ng mga goal, galing sa mga play namin,” dagdag pa nito.

Nangulelat naman ang Falcons sa kanilang 3 points. 

Ang tanging panalo ng Adamson ay laban sa De La Salle sa first round.

Nakumpleto ang mga koponan sa Final Four nang sibakin ng Blue Eagles ang Green Archers, 2-0.

Kinuha din ng Ate-neo ang top ranking sa knockout semifinals sa bisa ng kanilang 32 points, habang may 28 points ang La Salle. 

Nakaupo naman sa third spot ang Tamaraws na nagdadala ng 22 points kasunod ang University of Santo Tomas Growling Tigers (20).

May pagkakataon pa ang Growling Tigers na maiwasan ang Blue Eagles na makaharap sa semis kung tatalunin nila ang Green Archers sa huling araw ng eliminasyon sa Abril 20.

Magkikita ang UST at La Salle sa alas-2 ng hapon sa pagbabalik ng mga aksyon sa Abril 20 sa Moro Lorenzo Field.

 

vuukle comment

RED WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with