^

PSN Palaro

Lady Tams pasok sa F4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatalsik ng Far Eas­tern University ang University of the Philippines, 25-16, 25-16, 27-25 upang maipormalisa ang kanilang pag-entra sa Final Four ng UAAP Season 79 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Mainit ang palad ni open spiker Bernadeth Pons na kumana ng 12 puntos, walong digs at anim na receptions para hatakin ang Lady Tamaraws sa 8-6 rekord.

“Mahirap kalaban ang UP alam namin na all-out din sila dahil do-or-die nga kaya ini-expect ko na talagang dikit ang laban. Mas maganda ang performance ng team namin sa first two sets and I’m happy na naka-recover kami nung third set para hindi na humaba pa yung laban,” ani FEU head coach Shaq Delos Santos.

Malakas na suporta ang ibinigay ni opposite hitter Toni Rose Basas na umukit ng 12 puntos gayundin ni reserve outside spiker Heather Guinoo na may 11 puntos at team captain Remy Palma na may 10 puntos.

Tuluyan nang na­ma­alam sa kontensiyon ang Lady Maroons na nalaglag sa 7-7.

Tanging si Diana Carlos lamang ang nagtala ng double digits para sa UP hawak ang 13 puntos matapos malimitahan sa tig-walo sina Isa Molde at Nicole Tiamzon.

Dahil dito, paglalaba­nan ng University of Santo Tomas (8-5) at National University (7-6) ang huling tiket sa semis.

Awtomatikong uusad sa Final Four ang Tigresses kung mananaig ito sa Bulldogs sa Sabado.

Ngunit kung mananalo ang NU, maipupuwersa nito ang playoff para sa No. 4 spot.

Sa unang laro, hindi uuwing luhaan ang Adamson University matapos ita­rak ang 25-15, 25-19, 25-15 panalo laban sa University of the East upang magarbong tapusin ang kampanya nito.

Sumampa ang Lady Falcons sa win-column hawak ang 1-13 baraha para samahan sa No. 7 spot ang Lady Warriors na nahulog sa parehong kartada.

Sa men’s division, pinana ng De La Salle University ang UE sa pamamagitan ng 25-20, 25-16, 25-14 panalo para tuldukan ang laban nito tangan ang 5-9 rekord.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with