^

Police Metro

Banta ni Speaker Alvarez mas istupido - D5

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalagan kahapon ni Senador Leila de Lima si House Speaker Pantaleon Alvarez na tinawag nitong mas istupido kaugnay ng banta nito kay Vice President Leni Rob­redo na ipapa-impeach bunga ng kritisismo sa giyera sa droga sa video na ipinadala nito sa United Nations (UN).

Ayon kay de Lima, bukod sa sobrang istupido ang banta ni Alvarez, isa rin itong kalokohaan at pagpapakita ng pag-abuso sa kapangyarihan.

“The Speaker’s impeach threat vs. VP Leni is more than stupid. It’s insane! It’s called arrogance of power,” pahayag ni de Lima sa ipinalabas ng statement mula sa kanyang kulungan sa Camp Crame.

Naniniwala si de Lima na karapatan ng lahat ang magkaroon ng kalayaan at konsensiya para ihayag ang saloobin at bahagi rin ng demokrasya ang kritisismo at pagkakaiba ng opinyon.

Idinagdag pa ng Senadora na ang mga totoong traydor at nagkakanulo sa interes ng publiko ang mga yumuyurak sa pangunahing kalayaan ng mga mamamayan at mga nagsusulong sa walang tigil na extrajudicial killings (EJKs).

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with