^

PM Sports

Wolves bumangon

Pang-masa

MINNEAPOLIS - Sinamantala ng Minne­­­sota Tim­ber­wol­ves ang hindi pagla­laro ng dala­wang kamador ng Chi­cago Bulls para kunin ang 117-89 panalo at makabangon mula sa nauna nilang ka­biguan.

Nagpasabog si Andrew Wiggins ng 27 points, habang kumo­lekta si Karl Anthony Towns ng 22 markers at naglista si Ricky Rubio ng double-double sa kanyang 17 points at 11 assists.

Nag-ambag si Ne­manja Bjelica ng 16 points para sa Minnesota.

Naglaro naman ang Bulls na wala sina inju­red stars Dwyane Wade at Jimmy Butler at nalasap ang kanilang pangatlong dikit na kamalasan.

Sa New York, iginiya nina Derrick Rose at Carmelo Anthony ang Knicks sa 94-90 pa­nalo laban sa San Antonio Spurs.

Inilayo ni Rose ang New York sa 83-81 abante mula sa kanyang layup kasunod ang three-point shot ni Anthony para iwanan ang San Antonio sa 86-81 sa huling tatlong minuto ng fourth period.

Pinigil ng Knicks ang kanilang apat na sunod na kamalasan para ilista ang ika-23 panalo sa 56 laro.

Naglista si Anthony ng 25 points, habang may 18 markers si Rose kasunod ang 16 at 12 nina Kristaps Porzingis at Willy Hernangomez, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan naman ni Kawhi Leonard ang Spurs sa kanyang 36 points, habang nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 15 mar­kers.

Nagwakas ang dalawang sunod na panalo ng San Antonio, nakahugot kay David Lee ng 10 points.

Sa Toronto, kumonekta si Kentavious Caldwell-Pope ng triple para kumpletuhin ang pagbawi ng Detroit Pistons mula sa 16-point deficit at balikan ang Raptors, 102-101.

Itinayo ng Toronto ang nasabing kalama­ngan sa third period ngunit hindi nakaiskor sa unang dalawang minuto ng fourth quarter na naglapit sa Pistons sa 82-88.

Isinalpak ni Cald­well-Pope ang kanyang tres sa huling 13 segundo para ibangon ang Detroit mula sa naunang pagkatalo sa San Antonio.

Tumipa si Caldwell-Pope ng 21 points sa ilalim ng 24 markers ni Tobias Harris led Detroit.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Raptors, nakahugot kay DeMar DeRozan ng 26 points kasunod ang 17 at 15 markers nina Jonas Valanciunas at Kyle Lowry, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

MINNE­­­SOTA TIM­BER­WOL­VES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with