108th PSL Nat’l Series sa Bataan
MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng Philippine Swimming League (PSL) ang pagtuklas sa mga bagitong swimmers sa pagdayo nito sa Bataan para sa 108th PSL National Series - Motivational Swimming Meet na gaganapin sa Pebrero 18 sa Avila Swimming Pool sa Magtanong, Abucay.
Mahigit 300 tankers na ang nagpahayag ng intensiyong lumahok kung saan target ng PSL na makakuha ng mga mahuhusay na hahasain at ipadadala sa mga international competitions sa Australia, Japan, Singapore at Hong Kong.
“We want to open the doors to all young and aspiring swimmers who want to be part of the PSL team competing in different international tournaments. We are looking forward to discover more fresh talents,” ani PSL President Susan Papa.
Paglalabanan ang gintong medalya sa 6-under, 7-year, 8-year, 9-year, 10-year, 11-year, 12-year, 13-year, 14-year at 15-over sa boys at girls kung saan ang mangunguna sa bawat kategorya ay gagawaran ng Most Outstanding Swimmer award.
“It is our goal to inspire young swimmers. Our main objective is to identify talents and send them in international competitions. We want them to experience this opportunity to represent and bring honors to our country,” ani Papa.
Nagpasalamat si Papa sa mga sumusuporta sa asosasyon kabilang na ang Philippine Sports Commission at ang Avila Swim Academy na siyang tatayong host sa torneo.
- Latest