^

Police Metro

Korean ship captain, Pinoy crew binihag ng Sayyaf, pinalaya na!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf ang hostage ng mga itong Korean ship captain at tripulanteng Pinoy matapos ang tatlong buwang pagkakabihag sa Brgy. Kagay, Indanan, Sulu nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Armed Forces  of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla  ang mga pinalayang bihag na sina Park Chulhong, kapitan ng M/V Dong Ban Giant at ang Pinoy crew nitong si Glenn Alindajao.

Bandang alas – 7 ng umaga nang pakawalan ng mga kidnappers  sa pamumuno ni Abu Sayyaf Commander Al Bagade, alyas Sayning Ivo ang mga bihag sa kuta ng mga ito sa Camp  Bakud sa kagubatan ng Brgy. Kagay, Indanan.

Nabatid naman sa sources na nakatulong ng malaki sa pagpapalaya sa mga bihag sina Moro National Liberation Front (MNLF) Commander  Abraham Joel at Adon Adak na siya namang naghatid sa mga pinalayang hostages sa tahanan ni dating Sulu Gov. Abdusakur Tan.

Si Tan ang nag-turn over sa mga bihag kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na dumating sa lugar lulan ng learjet dakong alas-7:45 ng umaga upang sunduin ang mga hostages.

Bandang alas-11:15 ng umaga nang umalis si Dureza sa paliparan ng Jolo, Sulu lulan ng Learjet tail number RP C1432 patungong Davao City upang iprisinta ang mga pinalayang hostages kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Sinasabing nagbayad uma­no ang pamilya ng mga bihag ng P25-M sa mga kidnappers kapalit ng kalayaan ng mga ito. Gayunman, ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesman Major Felimon  Tan, patuloy nilang bineberipika ang bagay na ito.

Inihayag ni Tan na ang mga biktima ay binihag ng mga bandido matapos atakehin ang Korean vessel M/V Dong Bang Giant 2, 11,400 ton heavy load carrier  na sinasakyan  ng  kapitan at 20 pa nitong tripulante  noong Oktubre 20, 2016 sa karagatan ng Bongao, Tawi-Tawi kung saan ang  mga hostages ay dinala at itinago sa Sulu.

vuukle comment

KOREAN SHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with