^

PSN Opinyon

Ano na ang tingin ng mundo sa atin?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANG salita, kapag nasabi na, hindi na puwedeng bawiin. Kaya naman nagkakandarapa ang mga opisyal ng administrasyong Duterte sa pagbibigay ng kani-kanilang mga paliwanag sa talumpati ng Presidente sa Beijing, kung saan hihiwalay na raw ang Pilipinas sa US sa larangan ng militar at ekonomiya. Ang problema ay malinaw naman ang mga pahayag ni Duterte. Malinaw na galit siya sa US, na ilang buwan na niyang tinitira, minumumura at binabatikos. Sa talumpati niya sa China, tila ito na ang huling salita hinggil sa relasyon ng Pilipinas sa US.

Hindi raw, ayon sa mga tauhan niya. Magpapatuloy pa rin ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at US, ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez. Nagbibiro lang daw. Hindi seryoso. Simbolo lang daw ng pagiging independente. Kung si DFA Sec. Perfecto Yasay naman ang magsasalita, tama na raw ang pagiging “little brown brother” ng bansa sa US. Ano pala? Magiging “little yellow brother” na lang, dahil sa dami ng perang ipinangako ng China sa Pilipinas? Dahil mabibigyan na ng tren si Duterte?

Si Duterte mismo, sa kanyang pagbalik sa bansa, ang nagsabi na hindi naman daw niya pinuputol ang “diplomatic ties” sa US. Hindi raw pwedeng gawin iyon. Pero iba na ang basa ng US sa kanyang mga pahayag. Masyado na raw maraming nakalilitong pahayag mula sa Palasyo. Paano pala kung ang US na mismo ang mapagod sa lahat ng banat ni Duterte, at mag-alsabalutan na lang? Maayos pa kaya ng kanyang mga tao ito? Hindi rin nakakatulong ang pahayag na magkakampi na daw ang China, Russia at Pilipinas kontra ang buong  mundo, at ang paglagay na rin ng visa para sa mga Amerikanong gustong pumasok ng bansa. Ang Japan, na siyang sunod sa planong bisitahin ni Duterte, ang humihingi ng klaripikasyon sa pahayag ng paghihiwalay ni Duterte. Malakas na kaalyado ng US ang Japan, at kabilang din sa mundo na kakalabanin umano ng tropa ni Duterte, ayon sa kanyang pahayag. O nagbibiro lang na naman?

Ilang buwan na lang ganito. May pahayag, may paliwanag. May sasabihin, babawiin o kokontrahin ng iba. Ano na ang tingin ng mundo sa atin? Nagagalit si Duterte sa EU dahil maliit umano ang tingin sa atin. Ano pala ang tingin ng mundo sa atin, sa mga pahayag na lumabas sa Beijing?

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with