^

PSN Opinyon

Duterte pinagbibigyan ang kaaway na Tsina

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA giyera o sa diplomasya, kung ano ang ayaw ng kaaway, ‘yun ang dapat gawin sa kanya. Kaaway ng Pili­pinas ang Tsina. Malinaw ito sa inaasal ng kapit-bansang higante at bully. Inagaw nito ang pitong bahura at tinayuan ng mga base militar sa loob ng 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas. Sinakop din nito ang Scarborough Shoal sa gilid ng Luzon. At nang ipasya ng UN Permanent Court of Arbitration na mali ang pagpapalayas ng Tsina sa mga mangingisdang Pilipino doon, lalong pinaigting ng Tsina ang pagbabawal sa mga Pilipino. Samantala, sa pakikipag-kaibigan ng Pili­pinas, nagpapataw ang Tsina ng kundisyon na huwag man lang mababanggit ang pasya ng tribunal sa mga pag-uusap.

Kaya maraming nalilito sa foreign policy ni President Rody Duterte. Tinatawag niya itong “independent.” Pero pinatitigil na niya ang joint patrols ng US at Philippine navies ng mga karagatan sa EEZ at ang joint military exer­cises dahil ayaw umano ito ng Tsina. Hindi ito pagiging independent. Ito’y pagpapailalim sa interes ng kaaway.

Mabuti sana ang independent foreign policy. Dapat lang umalis na ang Pilipinas sa anino ng US. Dahil sa pagkatuta sa US ng sunud-sunod na Panguluhan, nali­mita ang pakikipag-kaibigan ng Pilipinas sa mga ibang bansa. Buti nang buti kung todo-buhos ng tulong ang US sa Pilipinas, pero hindi: parang limos lang ang military aid. Pati 50-taong barkong pang-coast guard ay ibinenta pa nito sa Pilipinas sa halagang bilyun-bilyong piso.

Hindi komo aalis ang Pilipinas sa anino ng US ay dapat lumipat ito sa ilalim ng kaaway na Tsina. May mahihita ba talaga ang Pilipinas mula sa Tsina? Igagawa ba talaga ng Tsina ng riles mula Luzon hanggang Mindanao, at tutulong sa seguridad ng kapuluan? Sa madaling salita, aalis ba ang Tsina mula sa EEZ ng Pilipinas?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

JARIUS BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with