Du30 ‘di na tatapak sa Amerika, kailanman
MANILA, Philippines – Kailanman habang siya’y nabubuhay, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na siya tatapak pang muli sa lupain ng Estados Unidos.
Ito’y matapos na humarap si Pangulong Duterte sa Filipino community sa Phil-China Trade and Invest Forum sa pagbisita nito sa China.
Kasabay nito, nilinaw ng Pangulo na magpapatuloy ang diplomatic ties ng Pilipinas at Amerika dahil kung puputulin ito ay magagalit ang mga Filipino na naninirahan sa Amerika.
Bagaman at posibleng nagbibiro, sinabi ng Pangulo na baka patayin siya ng mga Pinoy sa Amerika kapag tumapak siya sa nasabing bansa kung puputulin ang diplomatic ties.
Samantalang, mismong ang Pangulo rin ang nagsabi ng dapat mag-ingat sa paggamit ng salitang “separate o severed” sa usapin ng diplomatic relations sa Amerika.
“That’s why better be careful with the word ‘we separate or severed, severed our diplomatic relations.’ Second one is not feasible. Why? Because the Filipinos in the United States will kill me. That is why I am not going there, not in this lifetime.
- Latest