^

Police Metro

54 miyembro ng Maute group napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa 54 miyembro ng Maute terrorist group ang napaslang sa pagpapatuloy muli ng pinalakas na opensiba ng tropa ng militar laban sa naturang grupo ng mga bandido sa Lanao del Sur.

Sinabi ni Major Felimon Tan, Spokesman ng AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), ang nasabing bilang ng mga napatay na lokal na terorista na pinamumunuan ni Omar Maute  ay  mula nitong Mayo 26 ng taong ito hanggang sa kasalukuyan.

Nabatid na muling naglunsad nang serye ng ground at air strikes operations ang tropa ng Army’s 103rd Infantry Brigade (IB) laban sa Maute terrorist group matapos na matukoy ang panibagong pinagkukutaan ng mga ito sa Brgy. Ragayan, Butig, Lanao del Sur.

Ang Maute group ay may alyansa sa mga bandidong Abu Sayyaf Group at sa Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na karamihan ay mga dayuhang Indonesian at Malaysian ang mga miyembro na kinakanlong ng Muslim extremist sa Mindanao.

Sinabi ni Tan na ang serye ng bakbakan ay nagresulta rin sa pagkamatay ng dalawang sundalo habang siyam pa sa tropang gobyerno ang nasugatan.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with