^

Bansa

9 patay sa Bohol encounter!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Siyam ang patay na kinabibilangan ng limang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), tatlong sundalo at isang pulis nang magka-engkwentro sa Bohol, kahapon ng umaga.

Ito’y sa gitna ng inilabas na travel advisory ng US Embassy sa kanilang mamamayan na iwasan muna ang pagbiyahe sa Central Visayas partikular na sa Cebu at Bohol bunga umano ng banta ng terorismo.

Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, bandang alas-7 ng umaga nang makasagupa ng pinagsanib na elemento ng Army’s 47th Infantry Battalion (IB) at ng Bohol Police ang tinatayang 10-11 mga armadong bandido.

Bago ito, ayon sa isang intelligence officer sa AFP sa Central Visayas, nitong Lunes pasado alas-8 ng gabi ay namonitor ng intelligence group ng Army’s 3rd Infantry Division (ID) ang presensya ng mga bandido na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas na dumaong lulan ng tatlong speedboats sa may ilog sa Sitio Ilaya sa Bgy. Napo, bayan ng Inabanga, Bohol.

Pinamumunuan ang mga bandido ng sub-commander na si Muammar Askali alyas Commander Abu Rami na nanggaling pa umano sa Sindangan, Zamboanga del Norte.

Agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng mahigit pitong oras na ikinasawi ng limang bandido, tatlong sundalo at isang pulis.

Dalawa namang sundalo at isang pulis ang nasugatan sa nasabing bakbakan.

Narekober ang tatlong M16 rifles, M14 rifles at isang Improvised Explosive Device (IED) na nakalagay sa isang sako.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng air strike ang Philippine Air Force at ground  strike operations ang Philippine Navy, Philippine Army at ang pulisya sa ilang target na kabahayan sa tabing ilog ng nasabing lugar.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with